Chapter 7

5 0 0
                                    

[hahaha paseniya na ulit. Comment naman kayo]

HINDI alam ni Abe ang nararamdaman niya ngayon. Naiilang siya lalo na't pinagtitinginan siya ng mga tao at parang may binubulong. Nagsisi siya kung ba't pumayag siyang putulan ni Mack ang kanyang suot. Kanina naman nung tiningnan niya yung sarili niya sa salamin Ok na Ok naman iyon. Pero bakit ngayon panay ang tingin ng mga tao sa kanya? Ang iba halatang hindi ito gusto ang  iba naman parang gusto pero may pagnanasa naman lalo na sa mga kalalakihan. Kaya naman nilingon niya si Mack.

Napaigtad naman siya dahil nakatingin naman pala ito sa kanya. Kaya bigla siyang kinakabahan. At mabilis naman itong binawi ang tingin ni Mack sa kanya at binaling ito sa iba.Napailing naman siya. Kaya naman pilit niyang sinalubong ang kanyang mga kilay at nagpakita siya ng pagkagalit dito.

"Macky magbabayad ka sakin mamaya"sambit niyaa at pinandilatan niya ito.

Naguguluhan namang nakatingin sa kanya si Mack. Kaya't napataas ito ng kilay. "At bakit? Anong kasalanan ko?" anitong panlambing na boses.
Sasagot sana siya ng biglang may nag anunsiyo.

"Good Evening everyone. May I have your attention please! First of all i just want to say thank you for joining us tonigth.Tonight let's all celebrate  the only daughter of Mr.&Mrs Hernandez for her turning 18th birthday" At nagsipalakpakan ang mga tao. "And please  let's all  great A Happiest Birthday of Ms. Karen Hernandez! " Mas lalo pang nag ingay ang palakpakan ng mga tao at nagsitayoan ng may bumaba sa may mataas na hagdan.

Napakagandang babae. Nakasuot ito ng makintab na kulay pink na gown lagpas ito hanggang tuhod. Tube style ito at hapit na hapit sa katawan at sa likod nito'y buholbuhol na pagkatali. Nakaponytail ang buhok na kakulot sa ibaba nito.Maamo ang bilogang mukha at matangos ang ilong.At may mahabang mga pilik mata may manipis na labi.

Wait! Pamilyar itong babae. Nang nakababa ito.Nagulat naman siya na may naghihintay dito sa baba na lalaki.At kilala niya iyon. Nakangiti ito ng punong puno ng pagmamahal.Siya lang naman ang unang lalaking minahal niya, ang first kiss, holding hands at ito ang inaasahan niyang habambuhay na makasama.

Tila nanghihina naman ang tuhod niya.Kaya naman bigla siyang naupo sa silyang inakupahan niya.Nilingon naman siya ni Mack at hinagod ang kanyang likod. Hindi naman niya mapigilang ang mga luha sa kanyang mga mata. Bakit ang sakit pa rin?  Anang isip niya. Hindi niya kase inasahan to. Kung alam niya sana hindi na siya pupunta dito.
May sinasabe pa nag aanunsiyo pero hindi na niya naririnig yun.Masyadong masakit ang puso niya na parang sasabog ito.

"Abe, ayos ka lang?" hinawakan ito ang kamay niya.

Pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. At tumango sa kaibigan.

"Ok lang.  P-pweding samahan mo akong mag CR?" tanong niya dito.

Inalalayan siyang tumayo ni Mack.

At habang papuntang CR. Napaigtad si Abe ng hapitin ni Mack ang kanyang bewang.Hindi niya inasahan iyon. Bumilis ang pintig ng puso niya. Oh my G! Ano 'yon?

Nang makarating sila dalidali naman siyang kumalas dito. Nagulat naman siya ng hindi binitawan ni Mack ang kamay niya. Napatingin siya dito. Kita niya sa mukha ni Mack ang pag alala nito.

"Ahmm Mack ang -

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang hilain siya nito at yakapin. Tila tumigil ang pagtibok ng puso niya. Ramdam ni Abe ang mabilis din ng pagtibok ng puso ni Mack. Minuto rin ang lumipas walang nagsasalita sa kanila.

NAPABUNTONG  hininga si Mack habang yakap niya si Abe. Hindi niya alam kung paano niya ichecher up ang kaibigan. Kaya naman niyakap niya ito. Sa di niya inaasahan biglang bumilis ang puso niya. Kaya naman minatili muna niyang yakapin ito para pakalmahin ang sarili. Pero tila hindi iyon tumigil. Kaya napaisip siya ng paraan para maibaling ang isip niya.

Falling Inlove with my GayfriendWhere stories live. Discover now