Chapter 4

7 1 1
                                    

[Hello kamusta naman hahaha Pasensiya na sa mga wrong grammar ko ahh  ]

Pagising ni Abe kinaumagahan. Nabalikwas agad siyang bumangon.
"Hala! Patay!" nakauwe na pala siya. Ano pala ang nangyari.
Dali dali siyang bumangon papuntang CR. At naghilamos naman siya at nagsipilyo ganyan lage ang routine niya pagkagising.
Pagkatapos, lumabas na siya.

"Baby good morning" masayang bati ng Mama niya. "Sige alis na ako ah, pag may kailangan ka itext mo lang ako o tawagan ha?!"

"Morning Ma,  Sige po ingat po kayo!" niyakap niya at hinalikan niya rin sa pisngi.

Pagkatos niyang kumain.
Sabado ngayon wala silang pasok kaya naisipan niyan magmall.

Kaya naman dali dali siyang naligo at nag ayos. Naisipan niyang bumili ng mga bagong damit. Actually hindi siya mahilig mag shopping. Wala naman kase siyang alam sa pananamit. School uniform lang lagi ang suot niya pag nasa school. Pag nasa bahay naman okay na ang cotton short at malaking T-shirt. Nakadress lang siya pag may party.  Ang Mama niya lang din ang nag ayos sa kanya. Biruin mo yun sa eda na disesyete anyos nagkaboyfriend na nga suya pero wala siyang alam sa mga fashion. Di naman kase siya maarte. Di siya katulad ng iba jan babata pa pero magaling nang magkolorote ng mukha. Pulbo at liptint lang ok na siya.

Nong nakita mga kaibigan ni Macky kagabe totoo niyan naiinggit siya. At naisip niya rin kaya siguro iniwan siya ni Dean e baka yun ang dahilan siguro pumangit na siya. Erase!!  Hindi di kang siya marunong mangarte.

Pagdating niya ng mall.
Ano nga pala wala siyang alam kung saan ang may magandang pamimilian.Kasalakuyan siya ngayon nasa Ayala. Ang dami naman kaseng botique dito. Wait!  Tawagan si Macky!

"Hello?" baritonong boses. Wait sino kaya ito. Siguro lalaki ito ni beshy. Ayt busy! Ibaba niya na sana. "Abe, anong kailangan mo?"

"U-uhmm si Macky naandyan ba?" tanong niya.

Parang natawa ito. "Sira ako 'to!"

"Hala besy ikaw ba yan?" gulat na tanong niya.

"B-bakit?" rinig bumuntong hininga ito.

"Ano kase uhmmm.. pwedi mo ba akong samahan ngayon?" tanong niya.

"Ok" At yun lang biglang nag end call.

Naglakad lakad muna siya. Patingin tingin siya sa mga nakadisplay.  Ang daming magandang damit! Pero di ako sure kung bagay ba yun sakin!  Anang isip niya.

"A-Aray!" hindi niya namalayan na may nabanggo na pala siya.

"Hey! watch your step miss!  " anang lalaki.

Napatingala naman siya sa dito. "Dean? S-sorry ikaw pala."

Nakasalubong ang kilay nito. Halatang nagulat na makita siya neto.

At wala naman itong sinabe at umalis na ito. Sinundan naman niya ito ng tingin habang papalayo at may bigla namang lumapit na matangkad na babae at nginitian ito iyon ni Dean ng pagkatamis tamis at hinalikan sa pisngi yun yung nakita niya sa labas ng gate nila Dean.  Ako dapat yon e! Sakin ka  Dean. Napasingot siya. Ang sakit pa rin! Kailan ba mawawala ito?  Hindi niya napigilan ang mga luha. Bigla nalang itong nagsibagsakan. Dahilan ng mapayuko siya

At may nakita siyang dalawang pares ng sapatos at inabot na panyo. Kinuha niya naman ito.  "Salamat" pinahid niya naman iyon.

At napatingin siya dito.

"Mack!" at napayakap siya sa tuwa.
Napasinghot naman ito.
"Salamat ah! Pwedi mo ba akong samahan?"

"Ok" patingin tingin ito. Nakita niya itong namula.

"Ok ka lang. Bakit namula ka?" hanmbang hinuhuli niya ang mga tingin nito.

Tango lang ang sagot nito. At nauna maglakad.

"Besh, san ka punta?" hinawakan niya ang braso.

"San ba?" naguguluhang sagot nito.

"Magpapatulong sana akong mamili ng damit e alam mo na." ngiting sagot niya. "May nirerekomend ka ba kung san maganda?"

"Ikaw." Mabilis na sagot nito.  Naguguluhan naman siya. "I mean lika na!"

Wala naman siyang naisagot at sumunod dito.

Pumasok na sila sa isang botique. Pagkapasok pa nila.
"Good morning sir, " bati ng saleslady.

"Paki assist siya , pilian mo siya ng damit para sa kanya." tugon ni Macky sa sales lady.

"Macky,  anak" boses ng ginang na kakalabas lang galing sa isang pinto.

"Ma" hinalikan ito ng ina.

"Mabuti at napadalaw ka!" napangiti ito na para bang matagal na silang hindi nagkita. Bumaling naman ito sa kanya. At napataas  ng kilay
"Uhm.... si abe kaklase ko"

"Hello ma'am" nginitian naman niya ito ng pagkatamis tamis. At nakibiso. "Nice meeting you po."

"Hello iha ganda mo naman" Ngiti din nito at hinaplos pa ang mukha niya. "Para kang barbie doll" kita sa mata nito ang paghanga.

"Salamat po. "  nakangiti pa niyang sagot. Hindi kase siya sanay na may mag complain lalo na sa sarili niya.

At natahimik naman sila at nagngitian na lamang.

"Excuse me po  sir,  dito nalang po si Ma'am." basag ng katahimikan nila at agad naman nabaling ang atensiyon sa saleslady.

"Ok" sagot niya.
Pumasok na siya sa maliit na silid. Sa palagay niya ay fitting room.

Matapos na niyang mamili. Niyaya niya si Mack na kumain.

Habang kumakain sila. May pamilyar siyang nakita. Nagsalubong pa ang mata nila. At agad namang nakabawi ng lalaking nakakatitigan niya. Nakaawang pa ang labi niya na parang gulat siya. At napatingin na rin si Macky. Tumikhim ito. At napayuko nalang siya para maitago ang nagbabadyang luha niya.

"Hey!  Chin up!" Hinawakan nito ang baba niya at trinace ang mga labi niya. "Smile! Sayang ang ganda mo" nakangiting sabe nito.

Nakangiti naman at hindi naman niya mapigilang napatingin sa gawi nila Dean na nag tatawanan pa. Ang saya naman nila. Ganyan kami ni Dean e!
  One year and a half din ang relasyon nila ni Dean una ang saya saya nila. Nagsimula lang naman yun sa maliit na pinag awayan nila ni Dean. Hanggang sa parang wala ng gana si Dean. At yun nga hindi na ito masyadong nagpaparamdam. Every monthsary nila binabati niya ito hindi lang sa text maging sa pagpost sa fb sa minimessage pa niya sa messenger. Hanggang sa nakipagkalas na ito sa kanya. A hindi niya matanggap. Si Dean ang first bf niya, first kiss, first holding hands, kulang nalang sa first sex niya. Naalala pa niya nung nagbirthday siya at malapit na siya nitong naangkin mabuti nalang at napatigil niya ito. At doon na nga nagsimulang manlamig sa kanya si Dean.

"Hello to earth beshy!" pabaklang boses ng kausap niya.

"Ha-ha?" napailing siya.

"Hindi mo na kase ginalaw yung pagkain mo no? Ano, pati ba naman pagkain idadamay mo sa pag eemot mo? Duh, kung ako sa'yo humanap ka na ng kapalit jan. Sus dami daming lalaki jan e" pairap na pagkasabe ni Macky.

"Ah besh uwi na tayo." yaya niya

"Uy no! sayang ang pagkain.Wait! ipapabalot ko lang 'to."

Habang paalis si Macky. Tumayo naman siya papuntang CR.

Habang nasa CR napaisip naman kung kailangan na naba niyang kalimutan si Dean.

No ipaglalaban ko siya!  Babalik ka sakin Dean! Hook or by crook!

At may naisip na siyang bagong paraan.













Falling Inlove with my GayfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon