Chapter 47

43.9K 1.9K 438
                                    

Chapter 47

Tatlong araw ang lumipas pagkatapos nung pagdalaw ko sa bahay ampunan kasama sila Ellie. Papunta ako ngayon kay Von dahil may importante kong sasabihin.  Medyo kinakabahan ako pero medyo na eexcite din. Hihihi

“Hi Sue!” napalingon ako kay Akari na nasa office niya ngayon sa tapat ng office ni Von. Malamang! Secretary nga siya diba? Hahaha

“Hi din Akari!” nasa tapat na ako ngayon ng pinto ng office ni Von.

“Hubbyyyyyy!” sigaw ko pagpasok ko. Naabutan ko siya na nakaupo sa upuan niya. Nang makita niya ako ay tumayo siya. Dali dali akong tumakbo at agad umakap sa kaniya.

“Hey... Why are you here? Do you want something?” tanong niya na niyakap ako pabalik. “Can I kiss you?” eh?-,-

Tumingkayad ko at binigyan siya ng smack na kiss sa lips. Ang tamis talaga hihihi.

“Ooooh! Spg!”

“Mga mata niyo tol!”

“Pfft!”

Naalingon ako sa kanila. Ay, may mga kasama pala si Von? Hehehe hindi ko napansin. “Hi!” bati ko na hindi parin humihiwalay sa yakap kay Von.

“Hi, miss Sue!” sabay sabay nilang bati pabalik. Ang cute hihihi

“Nga pala Von. Pwede mag request?” tanong ko.

“Sure. What do you want?”

“Pwede ako mag ampon? Hehehe” nahihiya kong sabi.

“No.”

“Pero Von. Isa lang naman eh. Pleaseee” pakiusap ko pero hindi nagbago ang ekspresyon niya habang nakatingin sakin. Yung tingin niya na nagsasabi na hindi talaga pwede.

“Sige na kasi Voooon! Pag pumayag ka, papayag na din ako na gumawa tayo ng love mamaya pag uwi.” sige na Von, pumayag ka na pleaseeee! Huhuhu╥﹏╥

Narinig ko ang sabay sabay na pagubo nila Finn. At si Clover na naibuga ata yung iniinom na juice. Ewan ko kung bakit pero hindi ko nalang sila pinansin.

“Payag ka na? Payag ka na? Payag ka na?” paulit ulit na tanong ko kay Von. Nakita kong namumula ang tenga niya kaya hinawakan ko ang mga ito. “Nilalamig ata yung tenga mo hehehe. Ano Von? Payag ka na?”

“Fine.” humiwalay na siya sa yakap ko at bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair niya.

“YEYYYY! Narinig mo yun Joshua? Pumayag si Von na mag ampon ako!!! Yehey!!!” masaya kong sigaw at lumapit sakanila. Inagaw ko yung baso ni Finn na may lamang grape juice at nilagok iyon. “May biscuit ba?” tanong ko pagkatapos ay dumighay.

O____O -All

“Utusan mo si Finn if you want something, hon.” sabi ni Von habang abala sa ginagawa niya. Nilingon ko sila Finn. Nang igalaw ko ang ulo ko ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Napahawak ako rito.

“Hehehe mukhang napagod ako sa pagpunta rito.” sabi ko na nagsalin uli sa baso ng juice at iinumin na sana ay pinigilan nila ako.

“Op! Op! Op! Ma'am Sue, tama na.” pigil ni Joshua kaya napasimangot ako.

“Pero gusto ko pa. Ang sarap kasi tapos medyo matamis. Matapang nga lang ng konti. Hihihi” atsaka akmang iinumin ko uli nang pigilan uli nila ako.

“Ma'am Sue, that's not an ordinary juice so don't drink it, again.”si Clover naman na kinuha na ang baso.

“Here! Ma'am Sue, tinimpla ko para sayo.” inabot saakin ni Finn ang dala niyang baso. Ang bilis naman niyang makapagtimpla ng—

The Billionaire's Childish Wife (√)Where stories live. Discover now