Chapter 65

39.4K 1.4K 125
                                    

Akari Jiro's point of view:

Nandito kami ngayong tatlo ni Navi at Sue sa mall at naglilibot habang umiinom ng milkshake. At dahil nac-crave ako ng strawberry, strawberry milkshake ang binili ko.

“Ang masasabi ko nalang sayo girl... is goodluck and sana maging maayos ka roon ng wala kami ni Jasmin sa tabi mo. ” sabi ni Navi na nakaangkla sa kanang braso ko. Actually pati si Sue nakaangkla sa kaliwang braso ko. Hinayaan ko nalang sila dahil hindi rin naman nila ako titigilan.

Mamimiss daw kasi nila ako ng sobra dahil sa tagal kong mawawala. Sinusulit na daw nila ang pagkakataon na kasama nila ako katulad ngayon.

Oo nga. 6 years na hindi ko sila makakasama o makikita man lang.
Makakausap ko pa naman sila sa tawag, kaso limitado nga lang. Sigh. Mamimiss ko rin talaga sila ng sobra.

“Bess, sinabi ko kay kuya yung flight mo mamaya. Para makapunta siya at makita ka niya bago ka umalis. Sigurado kong ikakansela niya lahat ng schedule ng appointments at meeting niya mamaya. Hihihi. ” Nahinto ako sa pagsip ng iniinom ko sa sinabi niya. Pero hindi na ako nagulat dahil inaasahan ko na yun. Si Sue pa.

“Tama ka jan Jasmin. At sigurado akong sa ating dalawa, si sir Clinton ang pinaka mas mami-miss si Akari. At mami-miss ni Akari. Pfft. ” pinaningkitan ko ng mata si Navi. Ano bang pinagsasasabi niya? Si sir Clinton? Mami-miss ko?

Well, medyo— wait. What?

Napailing na lamang ako sa naisip.

“Di'ba? Hihihi! ”

“Makikipag break ka ba sa kaniya?” biglang tanong ni Navi.

Napa kunot ako ng noo. Break? Bakit naman? Ni hindi ko pa nga siya sinasagot. Tsaka hindi naman siya nanliligaw.

I shake my head, “Hindi pa naman kami. ” pa. Really, Akari? So hinihintay mong manligaw siya sayo?

Well, yeah. I hope, a bit.

“Lies.” mahina akong siniko ni Navi. Napakunot naman uli ako ng noo sa sinabi niya. Lies? Totoo naman ah. Ata? “Alam na ng lahat na kayo ni sir Clinton noh. Tsaka ipinakilala ka pa nga niya kahapon sa lolo nila. Diba Jasmin? Narinig mo yun diba? ”

“Hm? A-ah, oo! Oo! Narinig ko. ” tatango tangong sangayon naman ni Sue. Ipinakilala niya ako kahapon? Bakit hindi ko alam? Hindi ko maala—

“Clinton apo. Is she your girlfriend? ”

“Yes, grandpa.”

Namula bigla ang buong mukha ko nang maalala kong sinabi nga niya yun. Seryoso? Ibig sabihin official na kami? Pero bakit hindi ko alam??

“Babe. Let's go and sleep. ”

“Don't worry babe. Dala ko lahat ng gusto mo. Isali mo pa ako. ”

Hindi ko alam pero feeling ko sasabog bigla ang dibdib ko dahil sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ba hindi ko man lang na gets yung gestures niya kahapon?? May pa-babe-babe pa siyang tawag. Dahil ba sa ice cream? Argh! Napa kaslow ko din talaga eh no?

Naalala ko din na nagtabi pa kaming natulog kagabi. Na mas lalo namang ikinainit ng pisngi ko sa hiya. May naisip naman ako.

I think..... I..... I want to stay. I suddenly don't want to leave.

Pwedeng bang mag back out?

“May lagnat ka ba Akari? Namumula ka oh. ”

“Huy. Okay kalang? ”

The Billionaire's Childish Wife (√)Where stories live. Discover now