Chapter 5

82.2K 3K 987
                                    

Chapter 5: Her bruises

THIRD PERSON'S POV:

"BAD KA HUBBY! MAG DIVORCE NA TAYO!" galit na sigaw ni Sue habang turo pa si Vaughn na napakunot ng noo sa inasta ng dalaga.





"What the--"




"'What the' ano? Ikaw Von ha. Ang hilig mong magsalita ng badwords. Dahil asawa na kita ayaw na ayaw kong marinig na mag mura ka. Okey?" ani ng dalaga habang nakapameywang pa na kaharap si Vaughn.




Hindi makapaniwala ang binata lalo pa dahil si Sue lang ang nakapaglakas loob na sigawan siya. At makipag divorce. Samantalang yun ang palagi niyang papel sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang mga babaeng kinakasama niya.





"Ano bang--" hindi niya uli naituloy ang sasabihin nang magsalita uli si Sue.




"MALIWANAG BA VAUGHN BOEHRINGER?" madiin ang pagkakatanong niya roon.





Yun ang unang beses na masabi ng tama ng dalaga ang pangalan ni Vaughn kaya bahagya itong natawa.



Huminto ito tsaka nakangising nilingon ang dalaga. "Fine."



"Hihihi. Buti naman Von."



"Vaughn." pagtatama ng binata.




"Von." napabuntong hininga ang binata.



"Vaughn not Vo--"




"Hubby!" nakangiti ang dalaga na masayang isinigaw iyon. Hindi naman sila nakakaabala ng iba dahil naka vip room sila. Kaya walang ibang tao kundi sila lamang. "Hehehe...."



"Tsk. Samantalang earlier you pronounced my name correctly." Napakamot naman ng batok ang dalaga.


"Ewan ko den eh. Hahaha."


Matapos nilang kumain ay lumabas na sila ng resto. Naabutan naman nila sa labas ang dalawa habang nakikipag usap sa dalawang babae. Nang makitang nasa labas na ang kanilang boss ay agad nilang iniwan ang mga babae at lumapit kina Sue.



"Hi Hunter! Hi Clinton!" Nakangiti niyang bati.



"Hello ma'am" balik bati naman ni Hunter na yumuko pa. Si Clinton ngumiti lang at yumuko.


"Take her home now." utos ni Vaughn.



"Hindi ba ako sa inyo matutulog? Diba dapat ganon pagmag asawa? Diba?" Nagtatakang tanong ni Sue.



"Not now."


"Ganun?" nakasimangot na sambit niya. Malungkot siya dahil miss niya na ang makapunta uli sa bahay ni Vaughn. Napakaganda kasi roon at napakalawak.


"Tara na ma'am Sue" ani Hunter na hinawakan pa sa braso si Sue para sana hilahin nang--



"Aray!" daing niya na itinulak pa si Hunter. Napalingon naman sila sakaniya na hawak ang braso. 'Huhuhu yung braso ko ansaket╥﹏╥' reklamo niya sakaniyang isipan.



"Ma'am Sue okey ka lang?" Nag aalalang tanong ni Clinton na akmang hahawakan uli sana si Sue sa braso nang lumayo siya.


"Wag!" Sigaw ni Sue. Kaya nagtaka na sila.


Hinawakan ni Vaughn ang kamay ni Sue tsaka hinila. Pagkatapos ay itinaas niya ang manggas ng jacket ni Sue at doon nagulat sila sa kanilang nakita. Hinigit naman agad ng dalaga ang kaniyang kamay at inayos ang suot.


"Where did you get this bruises Wife?!" singhal ni Vaughn.


SUE'S POV:

Ang sarap naman sa tenga na tawagin akong Wife ni Von hihihi. Kaso galit nga lang siya. Huhuhu bakit siya galet eh braso ko naman yung may pasa at hindi kanya.


"Answer me woman."



"Bakit ka ba galit Von? Braso ko naman yung may pasa at hindi naman iyo. Huhuhu." ani ko. Bumuntong hininga siya ng malalim. Uh-oh...



"Just answer me. " parang pinipigilan niyang magalet. Hala bakit na naman ba? Huhuhu...



"Na-... naano lang ako sa ano. Kasi hindi ko naman alam na ano tapos ayun! Nagkapasa ako."


"I don't understand anything! Puro ka ano. Aishh!" Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako hinila at pinasok sa kotse niya. Sa kotse niyang magara. Mas cool pa sa car nila Clinton



"Ahm... Von san punta natin?" Tanong ko." Nasa passenger seat ako ngayon katabi niya.



"Hospital." maikling sagot niya. Ahy grabe ang tipid naman niyang sumagot. Amp.



"Ano gagawin natin don?" Tanong ko habang nakadungaw sa bintana.




"Use your common sense Sue." walang emosyon niya tugon.




Ah! "Pero hindi naman kailangan pumunta sa hospital ih. Okey lang. Hindi naman masaket." Taas noo kong sambit na lumingon pa sa kaniya. Umirap naman siya.



Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa braso at pipisilin niya nang matulak ko ang kamay niya. "Waah! Bad ka Hubby!"



"I thought hindi masakit?"



"Common sense din Von. Wag mong hawakan kung alam mong may pasa. Masaket eh."



"Tsk." Tapos ang attitude-,- amp!


-


"Uuwi na ba ako?" Tanong ko matapos akong dalhin ni Von sa Ospital.



"Yeah at hindi na ako ang maghahatid sayo." ahy:(



"Ganon?" Binigyan niya ako ng--



"10 thousand?! Ano gagawin ko rito?!" dimakapaniwalang tanong ko habang hawak ang pera.


"Pamasahe mo." Err? Pamasahe ganto kalake?! "Pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin nang lingunin siya ay wala na. As in wala na parang bubbles.



Muli kong tiningnan ang perang bigay niya. Grabe naman yun. Ano kaya gagawin ko sa sukli? Hm....




"Itago ko nalang. Tutal malapit naman na birthday ko eh. Hihihi." Tsaka na ako pumara ng taxi para makauwi na. Dahil siguradong tambak nanaman ang trabaho ko roon.

------itutuloy

The Billionaire's Childish Wife (√)Where stories live. Discover now