Chapter 49

44.2K 1.8K 366
                                    

Chapter 49

Lumipas ang dalawang araw ay masaya naman kaming naging isang pamilya ni Von kasama si Eren. Kahapon nga pumunta kami ng parke para mag bike. At nag enjoy talaga kaming tatlo. Ang galing nga dahil marunong din mag bisekleta si Eren.

"Di ka po ba marunong magbike?" tanong sakin ni Eren. Nakatayo lang kasi ako rito sa tabi ng kalsada at pinanonood silng dalawa na nagpapabilisan sa pagbisekleta.

"Hon, do you want me to teach you?"

"Tch! Marunong kaya ako mag bike. Kaso mas gusto ko kayong pinanonood kaya hehehe wag nalang." tinalikuran ko na sila para pumunta sa may lilim ng puno na malapit rito. Doon kasi nakalatag ang pang picnic namin. Oo nagplano rin ako ng picnic hihihi

Pagkaupo ko sabay namang umupo ang dalawa. Nagulat nga ako dahil akala ko nag bibisekleta pa sila. Sinundan pa pala nila ako rito.

"Gutom na ba kayo?" nakangiting tanong ko.

Napansin ko ang pawis ni Eren kaya naglabas ako ng panyo at pinunasan siya. Kahit ang likod niya, nilabas ko rin ang bagong bili kong pulbos at pinulbusan ang likuran niya. Abala siya sa pagkain kaya hindi niya ako pinansin.

"Dahan dahan lang sa pagkain ha." tumango naman siya.

Kumuha ako ng tissue at si Von naman ang pinunasan ko sa noo. "Galing mo mag bike ah."

"Yeah. Well, actually I'm just 10 years old nung huli akong mag bike. And I'm glad marunong parin ako hahaha." sabi niya na pinanonood si Eren na siya namang hindi kami pinapansin.

"Magaling siguro yung nagturo sayo."

Ngumiti siya, "yeah, maybe."

"Sino nga ba nagturo sayo? Si papa ba? O si mama Venice?" tanong ko. Kung makangiti kasi si Von ay parang napaka espesyal ng taong nagturo sa kaniya. ( ̄ヘ ̄)ᴴᴹᴹᴹ

"No."

"Eh? Sino?"

Inilabas niya ang wallet niya kaya nagtaka ako. May kinuha siya rito na litrato at ipinakita saakin. "She's my childhood friend. And.... my first love." sabi niya na itinuro ang batang babae sa larawan. Malapad na nakangiti itong batang babae habang naka akbay sa batang lalake na tipid lang na nakangiti habang nakatingin sa cemera.

Ngumiti ako at pinisil ang pisngi ni Von. "Ang cute mo pala nung bata ka, hubby! Hihihi"

"I k-know. Wife, stop it."

"Ble! Ayoko nga"

"Stop it or else-!!"

"Ang cuteee cute mo ta-" nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay kong hawak ang pisngi niya at inilayo. Pagkatapos ay bigla naman niya akong binigyan ng isang damping halik na ikinahinto ko lalo. Isang halik na nagbigay koryente saakin at pinainit lalo ang pisngi ko. Wahh!

"Yun lang pala mag papatigil sayo. Pfft!" nakangisi niyang sabi.

"Tanda, ano ginawa mo sa kaniya?" napalingon ako kay Eren na nasa harapan ko na pala ngayon at masamang nakatingin kay Von.

"Anong tanda?? You! Hey kid, don't you have a manners ha"

Napairap na lamang ako dahil nagsimula na naman silang dalawa. Hinila ko si Eren at niyakap. Niyakap naman niya ko pabalik habang nakatingin parin kay Von.

"Hep! Stop na. Ikaw Von, kumain ka na din." kumuha ako ng tissue sa tabi ko at pinunasan ang pisngi ni Eren. "Nagustuhan mo ba yung niluto ko?"

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon