Ikatlong Bahagi: ANG STATUS SA WATTPAD

266 7 2
                                    

May mga iba’t ibang status ang mga kababayan natin dito sa wattpad. At sa bawat status nila doon, parang mahahalintulad din ito sa isang LOVELIFE ng isang tao.

Kanina habang nakahiga ako, nagbibilang ng butiki sa kisame. Naisip ko nanamang dagdagan ang isa sa mga hit series kong CHOCOVANILLA ni BARNEY. Tutal hindi naman na ito nagagalaw. At dahil comedy ako ngayong gabi hindi ko alam kong ano ang pumasok sa kukute kong pink. Pero oks lang. At least may ibabahagi nanaman ako sa inyong dagdag kaalaman. Kaya watch out!

May mga ilan satin, tila ba ginagawa ng lovelife ang wattpad. Kaya naman heto ang playlist ng mga status dito sa watty.

M.U PBB TEENS!

- Ito iyong tipong masasabi nating Writer daw, reader daw effect. Sila iyong hindi seryoso sa buhay ng pagsusulat. Magsusulat lamang sila kapag gusto nila. Magbabasa lamang sila pag trip nila. Nasa kanila parin ang desisyon. Mahahalata mo sila kapag alam nilang sa buhay nila, sila iyong mga hindi makatapos ng story o makasimula. Basta ganoon. Sanay lang sila sa easy go lucky at bahala na. Sila iyong mga tipong type na fling fling with other writers and readers.

IN RELATIONSHIP

-Sila iyong mga famous, at mapapatunayang writer talaga. Sila iyong tipong may commitment sa ginagawa. Ayaw nilang bumagsak sa papermachinegrinder iyong mga ginagawa nila. At hindi lang sa wattpad makikita ang kanilang akda. Maging sa ibang site at minsan pa nga sa istante ng bookstore.

SINGLE

-Ito iyong mga member sa wattpad na may iisang status. Single. Single na reader. Reader lang siya, at wala siyang balak na magsulat. Single na Writer, writer lang siya at walang balak na magbasa. Minsan sila pa iyong karaniwang single na talaga sa buhay .Naghahanap ng kilig sa mga binabasa  o mga sinusulat.

FLING

-Ito iyong mga member na nagsulat dahil natipuhan nila iyong nabasa. Masasabi mo silang fling, dahil nagustahan nilang magsulat dahil lang sa kakatapos nilang nabasa at minsan ang dahilan nila ay dahil “NAINSPIRED” sila ditto. Ito iyong member na minsan maraming Fanatic Fictions.

MISTRESS

-kapatid ito ni Fling, ngunit hindi tulad na fling na mahilig sa FAnFic, minsan nagsusulat din siya ng mga story na gayang gaya sa naturang nabasa niya pero ipagkakaila niyang hindi niya ito ginagaya. Dadagdagan niya ng tricks at babawasan ang mga ideya.

Sila lang naman iyong mga listahan ko. Ang talatang ito ay walang penepertain na tao. Gumawa lang ako ng isang artikulo mula sa napapansin ko. Ngunit wala akong pinapatamaang tao.  Kung gusto niyong dagdagan, ilagay ang kumento sa COMMENT BOX. At kung may gusto niyong magbigay ng susunod na topic para sa show na ito, humimpil saaking Message Box!

Be fan, Be Michian! :D

Malambot na HaliparotWhere stories live. Discover now