3M sa 1N

207 7 2
                                    

Mahilig sa balot,

Mahilig sa salot,

Mahilig sa kulot.

Nabasted si inang!

Kalat na kalat na ang tsismis! Si inang nabasted ni tatang!

Siguro ay hindi niyo maintindihan ang mga pinagsasabi ko ngayon. Kasalukuyan parin kasing nagproprotesta ang utak ko para gumawa ng isang love story pero wala akong masimulan dahil nga sa Writer’s block ako. Iisang araw ko din lang ginawa ito. Sumabay kay ANG BORING, WRITER’S BLOCK NGA BA? O WALA LANG TALAGANG INSPIRASYON? Nakatatlong article ako at hindi ko alam kong aabot ito ng sampo. Basta ang alam ko maingay ang keyboard ko at pinapagalitan na ako. Matulog na raw.

Pero bago muna matulog. Gusto ko lang ibahagi ang trip ni Inang, na naisip ko nalang bigla kanina. Haha. Ang title ko, pinulot ko lang sa tabi. At eto talaga ang gusto kong sabihin. SA MGA BABAENG NABASTED NG MGA KRAS NILA DIYAN. HALIKAYO, USAP TAYO.

Well, lahat naman tayo nagkakakras. Normal lang daw iyon. Ang abnormal e singkwenta ka na hindi ka parin nagkakakras. Wag ganon.

At kapag may kras tayo, lagi tayong inspired. Lagi tayong tanga, lagi tayong lutang, lagi tayong paranoid, lagi tayong busog. Kasi mukha palang ni kras e busog ka na!

Pero, lahat ng iyon normal lang sayo. Hanggang sa nalaman niya sa etsuserang lipunan na kras mo siya, tapos ano, hindi na naging normal!

So ayon ang topic natin ngayon. Ang Kras mo nalaman na kras ka. Tapos may apat na option na pwedeng mangyari sayo. At usapang pag-ibig ito. Hindi lang umakma sa title.

Okay, nalaman na niya. Ano na ang gagawin mo?

Well, kong nalaman na niya. pumili ka sa option na ibibigay ko kong ano ang naging resulta tapos papayuhan kita ng pwede mong gawin. Mabait naman ako ngayon e. Kasi nga ginawa ko ito ng walang internet. Hahaha. At medyo nagkakalaman narin ang utak ko, pero wala parin akong inspirasyon.

Sino ba pwede kong hiramin sa aking mga kaibigan.Teka teka.

ALY: HALLA! CRUSH KO SI BENTONG! OEEMGEEEEE. Ang gwapo niya. Dapat sekreto lang ito. Hindi dapat niya pwedeng malaman!

LIPUNAN: HOY BENTONG KRAS KA DAW NI ALY!

BENTONG HINARAP SI ALY.

BENTONG: KRAS MO RAW AKO?

Kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyan at sinabi mong oo, ito lang ang pwedeng mangyari.

Option #1: Magpapasalamat iyan sayo, at sasabihin na “I’m used of it, don’t worry nothing will change us.”

Option #2: kunting magugulat daw tapos sasabihing “talaga kras mo ako? Ang gwapo ko talaga no!” with matching pogi sign.

Option #3: Magpapapogi, ngingiti tapos sasabihing “Kras mo ako? Pwede manligaw?”

Option #4: Ngingiti lang, iyong normal na ngiti tapos sasabihin “maraming salamat. Kung nais mo maging magkaibigan tayo, para magkakilala pa tayo ng husto.”

Iyan ang option mo at wala ng iba. Iyan lang naman kasi ang pwedeng mangyari e. At ngayon pumili ka na. Icomment mo muna ang napili mo bago ko sasagutin ang iyong katanungan sa Mahilig sa balot,

Mahilig sa salot,

Mahilig sa kulot.

Nabasted si inang! PART TWOOO!

Ipopost ko ang PART TWO kapag naka10 likes ito. Ahahhaha! Spread Love, Spread Peace, Spread me! Liver Spread!

 ****

 Dedikasyon mula kay ALY o mas kilala sa Unpredicatablegirl na napredict ko ang kanyang buhay . Charot. Eto regalo ko sayo. Ginawa kitang bida. Kaya ako gawin mong kuntrabida.

Malambot na HaliparotDonde viven las historias. Descúbrelo ahora