Ano ba ang fans at votes sayo?

195 10 5
                                    

Ano ba ang fans at votes sayo?

WOW! Ang ganda ng story. Vote.

WOW! Ang galing niyang magsulat. Fan.

WOW! Ang dami niyang library at ang dami niyang binabasa. FAN bakasakaling mapansin.

WOW! Ang dami niyang story. Vote, baka gusto niya ring basahin ang story ko. Exchange kami.

Alin ka sa dalawa? Aminin mo. Asan ka?

Ako? Aaminin ko parehas ako sa dalawang option na iyan. Minsan magfafan ako dahil magaling magsulat iyong author, minsan naman fan dahil sa story. Minsan fan dahil gusto kong mapansin, gusto kong maging cool. Gusto kong maging Electricfan!

Pero seryoso, both ako kong pagpapapiliin sa dalawang iyan. Hindi din naman kasi ako hulsam sa pagiging writer e. Ako iyong tipong, gusto ko basahin ang sulat ko ng mga taong interesado. Pero kong walang may interest na basahin, pakapalan ng mukha, iENDORSE sa Commercial!

Hindi ko ginawa ang article na ito para may patamaan, pero ganoon narin dahil tinataga ko ang sarili ko ng sarili ko ding itak. Pero seryoso, marami ng wattpad readers/writers/flying voters narin ang gumawa nito.

Ngunit, gusto ko naring itama ang tama sa tama.

Minsan, ang fan ay nagpapatunay na interesado ang tao sayo. Finafan ka nila minsan dahil nais nilang magpakilala sayo at nais ka nilang maging kaibigan. Ngunit, hindi ibig sabihin noon ay nais mo ng samantalahin ang mga kabaitang binigay nila sayo. Ang fan, sa industriya talaga ng kahit anong larangan ay mga maituturing na taga-hanga ng mga gumagawa ng kabutihan. Tulad ni Justin beiber, may fan siya dahil hindi sa sarili niya kundi sa mga ginawa niya. gets niyo? P.S. Hindi ako maka Justin B.

At ang Vote. Sabi nila, Vote is a sign that you are fascinated on what that person did. Kung mali ang inglish ko sa SOCO kayo magreklamo. So ayon, ang vote ay pinindot mo dahil hindi ka pinilit o pinakiusapan o trip mo lang. Ang vote ay pinindot mo dahil naapreciate mo ang meaning noong nabasa mo.

At para sa walang kwentang artikulong ito. Tatapusin ko ito ng isang kalabuan sa buhay. Ako, mas gusto ko ang Comment sa ano mang system ng wattpad. Mas nabubuhay ako, naiinspired akong magsulat dahil alam  ko iyong reader na iyon eh, may opinyon sa ginawa ko. At higit sa lahat, hindi artista search ang wattpad na kailangan e marami kang fan, hindi din eleksyon ang wattpad para sa madaming vote. Kundi isa itong malawak na kachismisan kong saan pag-uusapan niyo ang iba’t ibang perception sa iba’t ibang opinyon.

Malambot na HaliparotWhere stories live. Discover now