Taste in Writing

38 2 0
                                    


Buryong buryo ka na ba lagi sa ulam n'yo? Gusto mo din bang mabago? Ayaw mo na ba ang kaasiman ng paksiw na laging luto ng nanay mo at gusto mo rin ng maalat maalat para may thrill itong kainin? Nagsawa ka na ba sa paulit ulit na salita sa kanta? Minsan mo na rin bang minura ang aso niyong paulit-ulit na tumahol at hindi man lang mag- 'meow'. Ikaw ba iyong cliche hater? Paulit ulit ka na bang nabigo kaya naman hindi ka na nagmahal?

Aba, syempre ang mga writer ayaw mangyari 'yong huling tanong ko. Ang nabibigo ang mga reader nila dahil sa mga sinusulat nila dahil mga assumera ang mga ito na makakabasa ng bago to the point na iiwan na ang mga sulat ng author at maglilipat sa bago. Aba balimbing!

Tulad ng isang menudo na ginawang kalderata, gusto lahat ng manunulat sa atin na ang mga kwento nila ay magkaroon ng sarili nilang boses, sariling lasa at sariling kwento. Iyong tipong hindi nabuo dahil hinango (awts, natamaan ako!). Hindi ko naman nilalahat, pero hindi po ako cliche hater. Nais ko lamang pong tulungan ang sarili ko at ang mga iba kong kapanalig sa larangan ng pagsusulat kung papaano magkaroon ng lasa ang aming sinusulat ng sa ganoon ay humilera ito sa mga akda nina Bob ong, Ricky Lee, Eros Atalia, Jonaxx, Seeyara at iba pang author na tumatak sa ating kaisipan.

Tulad ng isang lalaking laway na laway sa babae, hindi porket nakakita na sila ng sexy ay mahal na nila ito. Syempre tatanungin niyo ako ng BAKIT!? Isa lamang ang masasagot ko diyan, dahil maraming sexy sa mundo. Maraming magaganda sa mundo. Pero hindi ibig sabihin noon, makukuha na ng kagandahan at kaseksihan ang puso ng isang tunay na nagmamahal na lalaki. Hindi mo pa rin gets? Laslas ka na!

Another example, pumunta ka sa karinderiang paborito mo dahil sa masarap nilang luto, pero noong magoorder ka na nadisappoint ka, parehas sa ulam mo iyong ulam mo ulit ngayon. Walang iba.

Masyado na akong nagpapaligoy. Ang nais ko lang ipunto dito ay may sari-sarili tayong lasa, hindi lamang matatagpuan sa taste buds pati sa imahinasyon, pati sa utak.

Lahat tayo ay naisilang sa mundo na may kakaiba sa atin na wala sa iba example: May nunal siya sa loob ng kaniyang ilong. Ikaw wala. O di naman eh, matalino siya ng sobra na halos alam niya eksakto kung paano romotate ang sun, ikaw tanga dahil hindi mo alam ang square root ng 6. Mga ganoong bagay, pero hindi ibig sabihin na iba ka na, at wala ka ng kaibahan na eh wala ka ng kwenta. Hindi ganoon!

Maraming nagtatanong, papaano ba nagsusulat si Jonaxx at ganoon na lamang nahuhumaling ang mga readers sa gawa niya at hindi nakakasawa. Papaano maglathala si Sonia Francesca ng kwento niya sa SRC books ng hindi nauumay iyong mga readers niya? Papaano nakakaisip si Bob ong ng patibong sa mga readers? Mga ganoong galawan.

Kasi may taste sila.

Ikaw din may taste pero iba sa kanila.

Pero papaano mo ba matatagpuan ang taste mo para magkaroon ng sarili mong boses ang story na ginagawa mo?

May theory ako, at theory lang ito. H'wag seryosohin.

1. Bumuklod ka.

Hindi ko naman dinidiscourage ang mga fanfic writers at mga mahilig lang talagang gumaya ng plot at iibahin na lamang ang climax tulad ko. Pero ito ang isa sa mga paraan para matagpuan mo kong anong klaseng taste ang meron ka. Kunwari, sumikat ang diary ng kuba sa takilya. Nagkaroon pa ito ng movie at hinangaan lahat ng mga kuba sa mundo at umasang didiretso din ang kanilang likuran. H'wag mo ng agawan ng spotlight iyong kwentong iyon at gagawa ka ding ng sa'yo. Diary ng lumpo. Mga ganoong tipong style. H'wag. Kung gusto mong matagpuan ang sarili mong lasa, una pa lamang dapat bumuklod ka na. H'wag kang magpasilaw sa mga sikat na mga topic sa internet at trumending din kahit na hindi naman naaangkop. Gumawa ka ng iyo, huwag kang kumuha ng plot ng iba at babaguhin mo ang climax o problema (patama sa sarili). H'wag kang sumama sa mga nagproprotesta. Bumuo ka ng sarili mong rally. Kung umaangat ang romance categ, h'wag kang mag romance categ kung hindi mo namang talaga linya. Pero kung linya mo edi go! Pero hangga't maaari, kung nais mong malaman ang iyong lasa, better bumuklod ka't alamin mo mismo sa sarili mo, hindi sa pauso ng iba.

P.S. Pwera ang mga fanfic. Para playing safe.

2. Lagyan mo ng ibang sahog.

Kung hindi mo maiwasang magsulat ng mga story na hango sa isang story at gusto mo talagang magsulat kasi nakanood ka ng isang movie at nainspire ka, wala namang masama kong kumuha ka ng kuting rekados (concept) sa napanood mo. May isa akong alam na story, iyong nainspire siya sa isang movie kaya nagawa niya itong napakagandang story na ito. Inamin na niya sa una na iyong ganoong istilo o pangyayari ay hango din sa isang movie. Pero hindi niya kinuha lahat, hindi niya inangkin. Nagluto siya ng panibagong putahe. May sahog man ng ibang putahe ang naadopt niya at least umiba pa rin ang lasa. For example: Makapangyarihang patatas ang nakuha niya sa kinain niyang adobo na luto ng iba. Ngayon para magkaroon siya ng kakaibabe na menudo kailangan niya ng makapangyarihang patatas na iyon pero iibahin niya ng paraan ng pagluto.

3. Lasahan mo ang sarili mong dila.

Anong trip mong isulat? Para kanino? Para ano? Kung magsusulat ka ba ng patungkol sa kamanyakan at kalibugan angkop ba sa mga readers mo? Anong ituturo mo sa kanilang moral lesson? Ang magenjoy sa kama? Joke lang. Pero ganito talaga, dapat lasahan mo ang sarili mong dila, masyadong idiom ang dating pero totoo iyon. Para kanino ba? Kapag ba nasulat na't nainspire na ng story ng malandi lahat ng mga malalandi, gagawa ka rin ba ng story ng malandi para maninspire din? Syempre oo kasi malandi ka't gusto mo ng kasikatan. Pero ang dapat doon, huwag na. Kasi kong nakain mo na ng hapunan iyong ulam niyong tuyo h'wag mo ng gawing ulam ng kinabukasan straight hanggang hapunan ulit. Bukod sa mauumay ka, magkakakomplikasyon ka din sa kidney.

4. Saang lasa ka?

Hanapin mo ang genre mo. Kung nagigiliw kang magsulat sa romance, maging matamis ka. Kung mahilig ka naman sa maanghang, doon ka sa explicit stories or magaction genre ka. Kung mahilig ka sa maalat, mag-ala Faulkner ka, doon ka sa mystery. Kung bitter ka sa buhay, magtragic ka. Ito ang first step mo para mahanap kung anong lasa ka napapabilang.

5. TIWALA SA SARILING LUTO.

Takot na takot kang bumuo ng sarili mong story na hindi pa nababasa ng iba kasi natatakot kang malangaw? Takot na takot kang tumipa ng sarili mong story kaya naman napagdesisyonan mo ng sumama sa mga kulto ng mga nagsusulat ng gangtah? Takot kang tumuklas ng bago, matuto, at maging masaya? Aba, dapat mo ng patayin ang sarili mo. Laslas ka back and forth. Joke lang, pero kung ganito ang nararanasan mo, isa lang ang mapapayo. Magtiwala ka sa sarili mo. Eh ano ngayon kong bago? Eh ano ngayon kung lalangawin? Edi gumawa ka ng paraan para hindi malangaw. Andiyan ang free taste ( sumali ka sa mga contest ) andiyan din naman iyong marketing slash networking strategy (promotion) malay mo madiskober nilang bago at fresh ang ideas mo, edi pupunta sila sayo bibili sila ng kwento mo. Basta may tiwala ka sa sarili mo. Sabi nila, ang mga taong madaling sumuko ay talunan. Kung isang buwan ka palang sa wattpad at ganiyan na ang inaasal mo na walang nagbabasa ng bago mong story na iba sa lahat aba lumayas ka nalang. Huwag kang mag-inarte. Hindi ito madali. Lalo na't marami ang mga story na mas pinipiling maging mainstream. Magtiwala kang aangat ka din, kakaway at sasabihing 'haters gonna hate. Potatoes gonna potate.' H'wag ka lang matakot mag-aral. Kung makakatulong sa story mo gawin mo. H'wag kang tamad. H'wag kang gago. H'wag maniniwala sa mga sinasabi ko, kundi magtiwala ka sa sarili mong lahat ng sinabi ko ay makakatulong sa'yo.

Hindi ko ginawa ang artikulo na ito para lamang may masabi. Naisip ko lang kasi talaga, na maging ako, kailangan pa din ng matinding tips sa sarili para magkaroon ng sariling lasa. Siguro, iyon dapat ang iprioritize ng mga gustong magsulat katulad ko. Na kailangan nilang malaman ang sarili nilang taste. Hindi nakikianod, hindi nakikiuso. Iyong nagsusulat sila hindi para lamang sa sarili nila, kundi para sa iba. At hindi na laging umaasa sa 'I write not to impress but to express.' kung maging ang mga gawa natin, kabilang ako ay hindi naman nakakainspire ng ibang tao.

Tanong ulit kung bakit naiiba ang mga stories ng mga primiyadong manunulat? Dahil may sarili silang dila para gumawa ng sarili nilang lasa at hindi iniisip ang gasgas na linyang nasabi ko kanina. Ikaw din may sarili kang kamay para gumawa ng sarili mong istorya at may sarili kang motto in life na hindi lamang inaasa sa anonymous quotation mark.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Apr 02, 2015 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Malambot na HaliparotOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz