I'm so sorry......

55 3 0
                                    

Pasok na naman, eto ako ngayon nag aayos  ng kakainin ni kulet bago umalis. Sakit nga ng ulo ko eh! Paano di ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa tanong ni Cassey eh. Ewan ko ba!

"Cassey? Nandito na yung almusal mo ah? Kainin mo 'to bago ka umalis. Mauuna na ko may meeting pa kami eh."

"Ge, ingat sila sayo."

"Wag ka ng magpalate ah? May activity tayo mamaya."

"SIR YES SIR!!!!!" Sagot nya habang naka salute sakin na nakasilip sa pinto.

Araw-araw naman maaga akong umaalis, mas maaga lang talaga ngayon dahil may meeting. Ayoko kasing may ibang nakakakita sa kotse ko kaya inaagahan ko. Pag nakita nila kotse ko, pano ko na maisasabay si Seysey pauwi? Edi na issue kami?

Di ba pwedeng childhood friends kayo kaya sabay kayong umuwi or pumasok?

Sabagay......     May point naman.

-----
After meeting, dumiretso na ako sa klase ko which is class ni Cassey. Hindi naman ako late, sakto lang sa bell.

"Good morning, class"

"Good morning siiiiir~"

"Okay, class attendance po tayo ah? Are we complete?"

"Si Cassey po Sir, wala pa."

"Di pa dumadating?"

"Di pa po, pero Sir nakita ko naman po sya kanina eh. Kaso parang ang putla nya."

Maputla?? Eh okay naman sya nung iniwan ko sya sa bahay eh. Sumasaludo saludo pa nga eh. Siguro iba yung nakita nila....

"Cindy baka iba naman yung nakita mo, are you sure na si Ms. De Guzman talaga ang nakita mo kanina?"

"Yes, Sir. Im pretty sure na si Case yung nakita ko po kanina."

Baka naman nag gagala na naman sya...

"Ms. President, please take in charge. Hahanapin ko lang si Ms. De Guzman."

"Yes Si-- eh ayan na pala si Case eh."

"Good morning S-s-sir....

"CASSEY!!! "

Bigla nalang syang nawalan ng malay. The good thing is nasalo ko agad sya dahil di naman kalayuan ang pinto sa Teacher's table.

"Ms. President!!"

"Copy Sir!"

Binuhat ko na si Cassey papunta ng clinic, buti nalang at malapit lang ang clinic samin.

Cassey, ano na nangyari sayo? Ano ba ginawa mo? Pag nakikita kitang ganito, pakiramdam ko nawawala ang lakas ko eh...

---

"Nurse! Si Ms. De Guzman po hinimatay. Nakita rin daw sya ni Cindy kanina na namumutla."

"I'll check........nako.... Ano kaya kinain ng batang 'to? Pasaway na naman ata eh. It's an allergy. "

Allergy???

"Allergy saan, Nurse?"

"May allergy si Cassey sa seafoods, peanuts and..........too much garlic.."

...too much garlic...

...too much garlic...

...too much garlic...

The Kulit Girl I KnowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora