Deal !! :)

68 3 3
                                    

JJ's POV

Malapit na kami ni Cassey sa bahay nila kaso nakatulog pala sya.Gigisingin ko sana sya pero nung nakita ko yung mukha nya parang biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Ang cute at ang ganda nya parin pag natutulog sayang at niloko sya nung ex nya, ang swerte sana nya kasi naging kanya ang katulad ni Cassey. Pero niloko lang nya tsk tsk tsk. Ano ka ngayon?!? Sinayang mo sya. Sana sakin nala--.

"Hmmm?"

"U-uhhm C-cassey nandito na t-tayo sa tapat n-nyo."

Ano ba JJ?!? Ba't ka nauutal?!? AnakNgLetcheFlan naman!!! Anyare?!?

"Hhmm s-sir thank you po sa paghatid sakin."

"Okay lang yun tutal magkapit bahay lang naman tayo eh. "

"Sige na, pasok ka na sa inyo at baka pagalitan ka pa ng--"

"Uh-oh pataaaaaaaay~!!"

"Bakit?"

"HOY CASSEY DE GUZMAN!!"

"P-po?"

"BAKIT NGAYON KA LANG AT SINO YANG KASAMA MO?!?! SHOTA MO BA YAN!?!

Cassey's POV

"BAKIT NGAYON KA LANG AT SINO YANG KASAMA MO?!?! SHOTA MO BA YAN!?!

Sana nga ehh.... JOKENS!! patay si kuya Gino.

Sya ang panganay sa amin. By the way, anim kaming magkakapatid konti namin noh?!? hehhehehhehe. Limang lalaki at syempre isang babae at AKO yun kamalas malasan lang eh bunso pa ako samin..

"Ahh-ehh kuya Gino hindi po. Sya po yung adviser ko."

"Adviser?!? ihahatid ka ng kotse sa bahay ng gantong oras at bata pa yan, ADVISER BA TAWAG DYAN?!?!"

"Opo kuya. Adviser ko nga po talaga sya."

SHEMAY KA JJ!!!! TULUNGAN MO AKO DITOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!

"Uhm excuse me po Sir, totoo po kasi yung sinabi ni Cassey. Adviser nya po ako, here's my I.D."

Puchacha ka JJ!!!!! GALINGAN MO SA PAG EXPLAIN!!!!!!! Yan ang hirap pag nag-iisang babae ehh. Lahat na ng nega, iisipin ng mga kuya mo ehh.

"Ahh. Akala ko shota ka netong utol ko eh, pasok na kayo. At ikaw naman Cassey!"

" Po kuya?"

" Mag explain ka sa iba lalo na kay mama."

" Opo kuya."

Susunod na sana ako kay Jj na nauna na sa loob ng bigla akong hatakin ni kuya sa braso.

"Cassey, wag ka ng magsinungaling. Yung totoo? Boyfriend mo ba yan?"

" Kuya HINDE NGA SABE EEEEEHHH!!!"

"Sorry naman! kala ko dalaga ka na hindi binata eh!"

"Kuya naman!!!"

"Sige na at sundan mo na sya sa loob, pasalamat ka at wala yung mga ibang kuya mo. Patay yan sa kanila."

"Opo kuya."

Kinabahan ako dun ahh.. kala ko naman pektus na ang matatanggap ko. Pag pasok ko sa loob ng bahay, nakita ko si mama at si Jj na nagkekwentuhan at nagtatawanan.

"Huh? ba't kayo nagtatawanan?"

"Kinekwento kasi ng mama mo yung elementary days mo."

The Kulit Girl I KnowWhere stories live. Discover now