Kunwari lang pala!

60 4 2
                                    

Cassey's POV

"Kuya magbibihis lang ako ahh."

"Sumunod ka na lang sa court, una na kami baka may makauna pang iba sa court eh."

"Sige po."

Kailangan may dala akong inumin nya. Gatorade ba? tubig? softdrinks? anung inumin ba? langya kasi sila kuya eh . Ba't nya pa kasi pinatulan eh!?!

"Nak, wag kang kabado. Kilala ko ang mga kuya mo."

"Ba't pa naman kasi nya pinatulan sila kuya

eh!!"

"Pabayaan mo na sila, mukhang gusto rin naman ni Jj yun eh. Sige na at sumunod ka na, baka di mo pa maumpisahan yung laro."

" Opo ma."

Kasi naman sila kuya ehh..ewan ko ba ba't sila ganun... pagod kasi yung tao, gusto rin naman magpahinga eh.

Jj's POV

"Sumunod ka na lang sa court, una na kami baka may makauna pang iba sa court eh."

"Sige po."

"Jj, lika na sa court."

"Ahh sige po."

Aminado ako, aminado ako na kabado ako sa sarili kong desisyon. Di ko alam kung kakayanin ko sila, ang dami nila samantalang ako nag iisa lang. Sana maisipan nilang hatiin nalang. Hay nako JJ!!! Ano ka ngayon?!? sige ka ng sige ehh.. PANINDIGAN MO YAN!!

*habang nasa daan*

"Jj!" -Joaqin

" Po?"

"Tange!! ako 'to!! si wakwak!!"

"Huh?!?"

"Yung kalaro mo dati!! nung mga bata pa

tayo."

"Wakwak?"

Wakwak? HALA!! Sino yun?!?

"Naalala mo ba nung bata ka pa. Sa may playground nag iisa ka lang tapos gusto mo pag see-saw kaso wala kang kasama?? may lumapit sayong bata na naka superman na tshirt? sabi ko pa nga sa'yo laruin natin lahat ng malalaro sa playground eh. Ano? Naalala mo na?"

"WAKWAK!!!!!"

"GAGI KA!! Kailangan one-by-one ko pa ipaalala sa'yo."

"Sorry ahh, di kita nakilala. Medyo kinabahan

ako sa inyo eh. Musta na?"

"Eto, gwapo at pinagpapantasyahan parin hahahahaha! ikaw? aba! teacher ka na ahh!"

"Hahahaha oo nga eh. Wala ka paring pinagbago, lakas parin ng tiwala mo sa sarili mo hahaha."

Si wakwak, sya ang kauna-unahang kaibigan ko dito sa lugar na 'to pero ilang buwan lang kasi kami nanatili dito nung bata pa ko kaya di ko na sya naalala eh. Small world! kapatid nya ang estudyante ko. Biruin mo yun!

"Pare wag mo munang sabihin kay Cassey na magkakilala tayo, pagttripan lang namin si bunso."

"Di kaya magalit nanaman yun?"

"NANAMAN?!? Bakit? May nangyari ba kanina?"

"Oo. Nagsinungaling ako sa kanya kanina eh. Nagpanggap akong estudyante, ehh may staff na kumatok."

"Oh tapos?"

"Ayun tinawag akong Sir. Nagalit si Cassey, nagwalk-out pa ng eh.."

"Nako!! hahahaha. Ice cream lang katapat nyan."

"Pinakain ko na nga ng ice cream. Nag street foods pa nga sya eh."

"Nako pre! bawal kay bunso ang street foods."

"Eh pasaway naman pala ehh.. manang mana sayo hahhahaha."

"Baliw ka talag--"

"Kuya Joaqs!"

"Bakit Sean?"

"Si Cassey daw papunta na."

"Ahh okay... Jj kunwari binugbog ka namin ahh."

"Hahahhaha mga trip mo talaga!"

"Basta!! magaling ka naman eh!"

"OO NA!!! hahaha pag nagalit nanaman sakin kapatid mo ahh!"

"Kami bahala sayo."

Cassey's POV

Papunta na ko sa court ngayon. Parang may binubugbog dun ah!?! t-teka si Jj yun huh?!?

"JOAQIN DE GUZMAAAAAAAAAAAAAAAN!!!"

"Oh ano!!?! di ka pa ba aamin?!"

"Hindi ko po talaga girlfriend si Cassey."

*blag! bogush!*

"KUYA ANO BA!! KAILANGAN BANG UMABOT 'TO SA GULPIHAN?!!! Kung ayaw nyong maniwalang ADVISER KO sya, EDI WAG KAYONG MANIWALA!! Ganyan naman kayo eh! Ayaw nyo lagi akong paniwalaan! LAHAT NAMAN KAYO EH!! "

Lagi nalang ....:'(

Jj's POV

"KUYA ANO BA!! KAILANGAN BANG UMABOT 'TO SA GULPIHAN?!!! Kung ayaw nyong maniwalang ADVISER KO sya, EDI WAG KAYONG MANIWALA!! Ganyan naman kayo eh! Ayaw nyo lagi akong paniwalaan! LAHAT NAMAN KAYO EH!! "

Naku po!!! patay nanaman ako neto... si wakwak kasi ehh!

"Pre!! sundan mo si bunso, malamang galit nanaman sakin yun eh."

"Oo, teka."

"Casseeeeeeeey!!"

Buti naman at huminto na sya kakatakbo..

*sob sob*

"s-sir?"

"Wag ka ng umiyak."

"Kas-si sir h-hindi ko na *sob* alam kung *sob* makakaharap ko *sob* pa kay-yo ehh *sob sob*"

"NAKUUUU WAKWAK!!! Bahala na!! Cassey! Look! di talaga ako binugbog ng mga kuya mo, okay? Matagal na kaming magkakilala ng kuya mo, ngayon ko lang nalaman  na sya pala yung kaibigan ko dati."

"Huh?!?"

"Kaya imposibleng bugbugin ako ng kuya mo."

"Sino may pakana neto?!?"

Patay!! salubong nanama  ang dalawang kilay nya..pano na?!?

"SINO SABI ANG MAY PAKANA NETO EHH!?!!"

Naku po... tulooooooooooong!!!!!!

"Ah eh? ano kasi Cassey eh?"

"Ano?!? SINO??!!?"

JUSME!!!!!! TULUNGAN NYO PO AKOOOOO!!

"Ano kase kas--"

"SABING SINO EHH!!!!! SASABIHIN MO BA O MAKAKATIKIM KA SAKIN!!??!""

"S-si Kuya m-mo!!!"

AnakNgLetcheFlan!!!! nakakatakot syang magalit!! yung tipong kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakahalandusay.

"KKKKUUUUUYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!"

NAKU PO WAKWAK!!!! kung ako sa'yo, MAGTAGO KA NA!!!!!!

The Kulit Girl I KnowWhere stories live. Discover now