Totoo naman pala..

103 3 0
                                    

Nagsibalikan na ang mga classmate ko kaya balik pagiging teacher na sya ulit.

pero di ako makarecover kasi ba naman, teacher kong LALAKI nakita kong umiiyak??

back to reality..... 

"HOY CASEY!!!!!!!!!"

ayan na yung mga kaibigan kong baliw.. 

"Bakit?"

"BAKIT HINDI KA BUMABA KANINA HUH??!!?? ALAM MO BANG HINTAY KAMI NG HINTAY SAYO KANINA PA HUH??!!!??"

"Sorry naman po."

"BAKIT NGA DI KA BUMABA EEEEEEHHHHH!!!!!"

"Wala trip ko lang, bukas nalang ako bawi sa inyu."

Pagkatapos kong kausapin ang mga kaibigan ko, ay napalingon ako kay Sir JJ.

BAT ANG SAMA NG TINGIN NYA SAKIN??!!!??

"S-sir??!!?? M-may problema po ba??"

"GIRLS!"

Tinawag nya yung mga kaibigan ko tapos lumapit sya sa amin ng naka simangot....

"S-sir bakit po?" sabi ni Iya 

"Gusto nyo bang malaman kung bakit hindi talaga bumaba si Casey?"

Nagtaka ang mga kaibigan ko kung bakit yun nasabi ni Sir sa kanila..

"B-bakit po ba?"

"Hindi ko sya pinababa. Nagkaroon sya ng pilay dahil sa pagkakatisod nya kanina nung hiniram ko yung gitara nya."

"Ehh kaya naman pala eehh tanga kasi nung sahig, di nag iingat ano po noh?!?" nakatinging sabi sakin ni Iya.

"Tama na yan. ang mahalaga, hindi malala ang pagkakapilay ni Casey."

nagsibalikan na sila sa mga upuan nila .... haaaaaaay nakuuu .. parang ang epic fail naman ng first day..

pagkabalik nila sa kanilang mga upuan, biglang nabalot nalang ng katahimikan 'tong classroom namin...

" Guys ... wala na po akong girlfriend....."

nagulat ang lahat, maski ako nagulat. bigla nya nalang sinabi yun... at ng dahil sa sinabi nya, nagkaroon ng mga bulung-bulungan sa loob ng room

" Ahhhmm s-sir ?" tanong ni Iya kay sir.. malamang nagtaka na sila kung bakit yun sinabi ni sir.

"Diba tinanong nyo ako kanina kung may girlfriend na ba ako? and that's my answer to that question. gusto nyo magkwento ako? okay lang sa akin, eh sa inyo? okay lang ba? wag nyo munang isiping teacher nyo ko. feel ko ang awkward ehh..game?"

"Game sir !!!"

"Sige, pabilog nyo na mga upuan nyo tas sa lapag tayo upo"

pagkatapos kong ilagay ang armchair ko sa tabi, bigla akong nilapitan ni sir JJ

" Casey.."

" Po? ano po yun sir?"

"Sa tingin mo ba okay lang kung ikwento ko sa kanila? gusto ko lang kasi i-share ehh.."

"Sir, nasa'yo naman po kung ishashare nyo po eh, pero kung gusto nyo po talaga, GO LANG PO ! :)"

At ayun, kinwento na nya sa amin yung istorya tungkol sa kanila ng girlfriend nya.

"Grabe pala ang pinagdaanan ni Sir noh??? ansakit sa heart!"

"Kung ako si girl, di ko gagawin yun dahil isa na ako sa napakaswerteng babae sa buong universe."

haaay .. di ko lang masabi sa kanila na ganun din ang nasabi ko kanina. Nanghihinayang din ako sa pagkawala sa kanya ni Sir Jj .

The Kulit Girl I KnowTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang