MHIH 10

39.8K 1.9K 423
                                    

Hellios suggested that maybe, Raphael was in the house of his classmate who he was with when he got drunk. Nabuhayan ako ng pag-asa na maaaring naroon nga ang kapatid ko. Kaya naman ganoon na lang ang tuwa sa puso ko nang hindi pa man tuluyang humihinto ang kotse ni Hellios sa tapat ng mismong bahay ay natanaw ko na si Raph na nakaupo sa gutter sa gilid ng gate. Nakatungo siya, nakapatong ang mga siko sa ibabaw ng tuhod at tila nagmumukmok.

Dali-dali kong binuksan ang pintuan sa gilid ko pagkahinto ng kotse.

“Careful, Chloe.” It’s Hellios.

Sa sobrang tuwa na nakitang maayos ang kapatid ay hindi ko na nagawa pang intindihin ang sinabi niyang ‘yon.

“Raph!” tawag ko at malalaki ang hakbang na nagtungo sa kaniya.

He raised his head the first view the welcomed me was his swollen eyes. May bakas pa ng luha sa mga pisngi niya dahilan para makaramdam ako ng pait sa puso ko.

“Ate Chloe…”

Inatake ko siya nang mahigpit na yakap. He sobbed in my shoulder as I caressed his back.

“I’m sorry, ate. Hindi ko po sinasadya sagutin pabalik si Papa. I didn’t had the chance to think properly. When I saw him hurt you, I totally lost my cool.”

Bawat salita niya, ramdam ko ang pagsisisi niya. I have already seen this coming — that he would be regretful about all the things he said to our father. Alam kong nabigla lang siya at hindi ko siya sisisihin sa bagay na ‘yon.

“I understand, Raph. Everything will be fine. For now, let’s go home so we could talk to them—”

Kusa akong huminto sa pagsasalita nang sunod-sunod ang naging pag-iling niya. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mga mata.

“I don’t want to go home yet, ate. Let me atleast stay here with my classmate for the tonight.”

“Nasaan ang kaklase mo kung gano’n? Hindi kita puwedeng pabayaan dito, Raphael.”

“Lalabas rin ‘yon, ate. Ayoko muna umuwi ngayong gabi. Gusto ko muna palipasin ito nang hindi nakakausap si Papa. I know that he’s very mad at me right now. Hindi magiging maganda ang takbo ng usapan naming dalawa kung masiyado siyang galit sa akin.”

He has a point. Knowing our father, he can be really aggressive sometimes. Ayokong pati si Raphael ay magawa niyang saktan. Mahal ko sina Papa pero pagdating sa kapatid ko, hindi ako papayag na maa-agrabyado siya ng walang sapat na dahilan.

“You can stay in my condo for the mean time, Chloe. Kapag gusto na ng kapatid mo umuwi, ihahatid ko kaagad kayo.”

Mabilis akong napalingon sa likod nang maulinigan ang boses ni Hellios. Nakatayo siya sa may bandang likod ko, nakapamulsa habang titig na titig sa akin.

“Hindi na, Hellios. That’s already too much. I’ll take him home—”

“Ate, ayoko. Let’s accept Kuya Hellios’ offer. Kahit ngayong gabi lang. Uuwi rin kaagad tayo bukas o mamayang madaling araw. I just don’t want to deal with Papa right now."

I anchored my eyes back to Raphael the moment he said that. Kung susundin ko siya at mananatili kami kay Hellios ng ilang oras, sigurado akong lalong magagalit si Papa. Pero kung uuwi kami at haharapin niya ulit si Raphael, malaki ang posibilidad na magkasagutan na naman sila.

Bumuntonghininga ako saka tumayo at hinarap si Hellios.

“Ayos lang ba talaga sa’yo? Magiging abala kami ng ilang oras.”

Umiling siya. “I don’t mind. Let your brother rest for the mean time. You, too. I know you’re tired.”

Sinulyapan ko si Raphael. Titig na titig siya sa akin, tila nakikiusap na pumayag ako sa suhestiyon ni Hellios. At sa tingin ko, wala rin naman akong magagawa pa lalo na at ayokong magkasagutan na naman sila oras na umuwi kami. Bahala na lang bukas.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now