MHIH 50

26.8K 1K 141
                                    

Chapter 50

Sunrise came and I was literally not in the mood for anything. Hindi ko pa rin magawang tanggapin ang pangbabaliwala sa akin ni Hellios sa kabila ng katotohanang nag-alala ako sa kalagayan niya sa lumipas na magdamag. 


How could he be so irresponsible knowing that he has pregnant wife waiting for him to come home? Mahirap ba ang tumawag o hindi kaya ay magtext na bumalik siya sa office at may tinrabaho? Iniisip niya bang magiging kampanti lang ako na hindi siya umuwi sa tamang oras nang walang pasabi?


“Chloe…” 


Umikot ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Hellios sa labas ng pintuan. Pagkatapos lumabas ng kwarto kanina ay nagdiretso ako sa guest room at dito na nagpalipas ng oras. Ayokong lumabas at ayaw ko rin siya makita. I am mad at him and no words could take my anger away that easy. 


“Let’s talk. Please.”


Still, I didn’t say anything. Tears ran down the side of my cheek and fell on the white pillow I was using. Simula nang maging kami at maikasal, ni minsan ay hindi kami nag-away. I always understand the situation. I always look at the brighter side. Sa relasyon naming dalawa, ayaw kong nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan lalo na at dahil lang sa walang kwentang bagay. 


Between the two of us, he got the bad temper and I am always the calm one. 


“I am really sorry. I know it’s my fault for not telling you right away what happened. It won’t happen again, Elizabeth. Please talk to me.”


People tend to do mistakes, I know. My husband is not perfect and I promised to myself that I will do everything to understand him even if it’s already beyond me. 


Of course I will forgive him. Just not at this moment. Ayaw kong harapin siya at magkunwaring hindi na ako galit. That would be a sin. He must give me time to let this pass. Huwag lang ngayong sandali na ito. 


“I’ll go to work now. Please don’t skip your breakfast. I already cooked for you.”


Hindi pa rin ako nagsalita hanggang sa marinig ko ang yabag ng sapatos niya. I wiped the tears from my face before closing my eyes. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. 


Parte ng buhay may asawa iyan, Chloe. Don’t stay mad at him for too long. Siguradong hindi naman niya sinasadya ang ginawa niya sa’yo kagabi. Huwag na lang niyang uulitin dahil hindi na tama ‘yon. I have my limitations and I don’t give unlimited chances. 


Bumalik ako sa pagtulog dahil literal na mabigat ang mga mata ko sa magdamag na pag-iyak. Bumangon lang ako nang makaramdam ng gutom.  


Habang nasa high stool at kumakain ng inilutong fried rice at spam ni Hellios ay binuhay ko ang cell phone ko. Wala akong natatanggap na text o tawag pa mula sa kaniya gayong tanghalian na. It’s very unusual not to receive messages or call from him during lunch time.


Busy? 


I was about to press the call button but my phone suddenly rang from unknown number. My brows crinkled in curiousity, I accepted the call. 


“Who is this?” I greeted and bit the spam from my fork.


“Chloe…”


My eyes blinked repeatedly upon hearing Hellios’ voice. Bakit ibang number ang gamit niya sa pagtawag? As far as I know, isa lang ang cell phone na ginagamit niya. Mapatrabaho man o personal. 


Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellOnde as histórias ganham vida. Descobre agora