MHIH 15

39.4K 1.9K 382
                                    

I won't ever deny the fact the Hellios is somehow clouding my mind ever since the other day I went to their family house. Bawat salitang binitawan niya, nagkaroon ng epekto sa akin. At hindi ko 'yon nagugustuhan.

I have never been into a relationship. Not even once. Pero hindi lingid sa kaalaman ko na kapag nagkaroon ng epekto sa'yo ang mga sinasabi o ginagawa ng isang tao, o maging ang simpleng presensiya niya ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa'yo, may iba.

Wala akong nararamdaman para sa kaniya. Iyon ang palagi kong inilalagay sa isip ko. Pero ano nga ba ang pakiramdam kapag nagkakagusto na sa isang tao? Is it connected to what I felt whenever he's near with me?

Nakakaramdam ng kiliti sa tiyan, bahagyang nanglalamig ang mga kamay habang ang mga pisngi naman ay tila may apoy. Kung may koneksiyon man, ibig ba sabihin ay may gusto na ako sa kaniya?

I have been thinking about those conclusions in my head but then my heart doesn't want to entertain any of it. Hindi ko naman kailangan sagutin ang mga tanong na 'yon. It doesn't matter anyway. Sigurado naman akong hindi rin seryoso si Hellios nang sabihin niyang gusto niya ako.

He doesn't hate me as person like what he told me the other day. Pero imposible rin na magustuhan niya ako lalo pa at ayaw niya sa taong maka-Diyos. Baka bigla siyang masunog sa akin.

"Isang box po ng Pharex B complex, please." sabi ko sa pharmacist na siyang nasa counter.

Nagtipa siya sa keyboard ng computed niya at may tinitingnan doon. "Anything else, Ma'am?"

Umuling ako at tipid na ngumiti. "That would be all po."

"Three hundred pesos po. Do you have suki card?"

"Wala po."

Kumuha ako ng pera sa wallet. Nagpabili si Papa sa akin ng vitamins niya dahil naubusan raw siya. Wala naman akong masiyadong gagawin ngayon kaya nagsabi akong ako na lang ang bibili.

"Yes and five packs of paracetamol, please. Here's my card."

Kusa akong napatingin sa kaliwang gilid ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Umawang ang labi ko nang makita si Tita Empress na nag-aabang rin sa counter.

"Tita Empress..." I called out.

Lumingon siya sa gawi ko, bahagya pang nakataas ang isang kilay. Kaagad rin naman 'yong bumaba nang magkatinginan kami.

"Chloe!" she exclaimed before she approached near me. Bumeso siya sa akin na kaagad kong tinanggap. "You're here!"

"Kumusta po?"

Obviously, she's buying medicine here. Kaya lang ay bakit dito pa sa Makati? Masiyadong malayo dahil sa Intramuros sila nakatira.

"Heto, I'm buying medicine for Samael. He has fever right now. Dadalhan ko ng gamot dahil kung siya lang mag-isa, hindi no'n aasikasuhin ang sarili niya."

May lagnat siya? Malakas ang kutob kong dahil iyon sa pagkakabasa niya ng ulan nang ihatid niya ako sa simbahan. He shielded me from the rain so I'd stay dry and safe. Kaya ngayon ay siya itong may sakit.

"Nasaan po siya, Tita? Sa condominium niya po?"

"You've been there?" Her brow was raised in a taunting way.

Wala naman sigurong masama kung sabihin kong nakarating na ako doon. Isa pa, hindi ako dapat na magsinungaling.

"Opo. He helped me and Raphael for some reason and offered us to stay there for a short time. Iyon lang po."

"Oh! That's definitely nice to know. Doon ako pupunta dahil doon naman siya palagi nagtitigil kaysa sa isang bahay niya sa Taguig."

"Biogesic and Alaxan FR?" The pharmacist announced that made us both look to the counter.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now