MHIH 41

27.6K 1.1K 73
                                    

“I didn’t know that she would come here.”

Ano’ng gustong sabihin ni Papa kay Hellios? Bakit pakiramdam ko ay masiyadong impotante? I know how he hates him for me. Bakit ngayon ay kailangan kausapin? Tungkol saan ang pag-uusapan?

“Baby…”

Mayroon sa akin ang nakakaramdam ng kaba tungkol sa bagay na ‘yon. May hindi tama. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda. I haven’t told Hellios about it. Siguradong maging siya ay magtataka rin.

Malalim na halik sa aking labi ang pumutol sa paglalakbay ng diwa ko. Sumimangot ako nang ilayo ni Hellios ang mukha at titigan ako sa labi bago nag-angat ng tingin sa aking mga mata.

“You’re spacing out.” he said.

“T-Talaga?”

Tumango siya. “If this is about Hannah I swear I didn’t know that she’d be here. I never let anyone go here unless they have an appointment-”

“No, no. This isn’t about her, Hellios. No need to explain.”

He held my hand and made me sit on his lap just like the usual. Hinayaan ko siyang dalhin ako sa posisyon na gusto niya. Sana lang ay huwag basta pumasok ang secretary niya at maabutan kami sa ganitong posisyon. Kung sa bagay ay ilang beses niya na kami nakita na ganoon. Ito kasing si Hellios, parang wala namang pakielam sa paligid niya.

“Mind sharing me the reason why you’re spacing out then?”

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at tumungo sa mga kamay ko. From his hug on my waist, his hands crawled to my hands too and held them. I tilted my head when I felt him kiss me on my jaw gently.

“What’s wrong?” he asked again. “Something’s bothering you, I know.”

Bumundol ang kaba sa dibdib ko matapos mag-angat ng tingin at lingunin siya.

“Nagpunta kami sa bahay, hindi ba?”

“Uh-huh,” he moaned that answer before sealing my lips with a quick butterfly kiss.

“Hindi namin sila nakita doon, Hellios,” sabi ko habang ang boses ay nagsisimula nang mabasag. “We found them in the Manila City Jail instead.”

Natigil ang ginagawa niyang paghalik sa pisngi ko. Kasabay no’n ay ang paghulagpos ng mga luha na kanina pa gustong kumawala sa akin simula nang makita ko siya.

Sa tuwing may mangyayaring hindi maganda sa akin at makikita ko siya, pakiramdam ko ay nakakahanap ako palagi ng kakampi sa katauhan niya. It feels like whenever I have a bad day, he can always give the sunshine I need. He can always flatten the curves effortlessly and that made me love him even more.

“What do you mean?” tanong niya.

He made me face him but I was crying too hard that I ended up mumbling against his chest. My hands were gripping his dress shirt like I was trying to get a little strength from there. Hindi niya ako pinilit magsalita kaagad. He just let me cry on his chest as he keeps on caressing my back.

Kusang huminto ang mga luha ko sa pagpatak. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Titig na titig siya sa akin, salubong ang makakapal na kilay habang umiigting ang panga.

“I really hate it when you’re crying, Elizabeth. What really happened?”

“Nakulong sina Papa at Mama, Hellios. Ang s-sabi…” humikbi ako. “Ang sabi, dahil daw sa drugs. Ayokong m-maniwala. Hindi nila kayang gawin ‘yon.”

“What?”

He stared into somewhere else as if he’s thinking about something. Salubong pa rin ang mga kilay niya at halatang hindi rin nagustuhan ang narinig.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now