Chapter 30

442 15 8
                                    

"Can we talk?",

Biglang nagring ang phone ko kaya sinagot ko 'yon. Si daddy. He wants to talk to me. Hindi ko na nagawang tanungin pa si Sejun dahil sa sinabi niya dahil biglang nagring ang phone ko. Mukhang narinig naman niya ang sinabi ni Daddy kaya ngumiti siya.

"Let him talk to you. Hayaan mo sinbg ipaliwanag niya sa'yo ang lahat",nakangiting niyang sagot. "Ihaataid n kita—",saad niya ngunit hindi niya 'yon natapos dahil nagsalita ako

"May kotse ako. Hindi na. Salamat",maikli kong sagot at nginitian siya. ganun din siya. Sa mga pagkakataon na yon mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Unti unti kong nagegets kung ano ang mga nangyayari. Kung bakit sinabi ni Sejun 'yon. Kung bakit siya nagtanong ng ganun.

Hindi ko alam kung anon'g dapat kong maramdaman nang makapasok ako sa kotse ko. mas pinapahirapan ata ako.

Dad texted me na pumunta sa ospital para mabisita ko si Mommy. I feel like he's nice to me. Parang hindi na siya galit ulit sa'kin or maybe he will ask me for favor. At dahil dun kinakabahan ako.

Gusto kong magkaayos kami ni Daddy ngunit nakakaramdam ako ng kakaiba.

Habang nagmamaneho ako parang nawawala ako sa sarili at nakailang busina din ang ibang kotse sa harap at likuran ko. Nagsosorry ako ngunit galit sila. Napailing iling nalang ako. Bakit naman kase iba ang nararamdaman ko ngayon?

Nakarating na  'ko sa ospital at dali daling tumungo sa kwarto ni Mommy. Nakita ko si Mr. Enriquez na Daddy ni Sejun sa gitna ng hallway at may kausap siya sa bandang kaliwa Niya na hindi ko makita kung sino.

"I can't wait for their wedding. So you and Ali can be officially part of our company and also to our family", nanalaki at napatakip din ako sa bibig ko dahil sa narinig.

IPAPAKASAL NILA AKO KAY SEJUN!?

Nagsink in sa'kin ang mga sinabi ni Sejun at mula sa mga narinig ko. Kaya pala sobrang bigat ng nararamdaman ko sa mga nangyayari. Hindi nga 'to maganda. Ayokong makasal sa isang taong hindi ko naman talaga gusto. Ayokong makulong sa isang relasyong hindi ko ginusto. Ayokong magsisi habang buhay.

Hindi na ko tumuloy dahil alam kong 'yon ang sasabihin sa'kin ni Daddy at ngayon hindi ko rin alam ang mga isasagot ko sakanya. Sinabi ko nalang na sa isang linggo na lang ako pupunta dahil may emergency.

Sumandal ako sa pader sa isang sulok. Wala naman sigurong makakakita sa'kin rito dahil sa sulok 'to. Huminga ako ng malalaim kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hindi ko na alam. Sobrang nagbago na ang buhay ko. Malinaw na sa'kin ang desisyon nila dahil sa narinig ko. Paano ko pa tatakasan 'to kung ito lang ang tanging par
aan para maging maayos kaming dalawa ni Daddy. Paano kung ito ang gawin niyang pabor?hindi naman imposible 'yon.

I feel so hopeless habang pinupunasan ang mga pisngi ko dahil sa luha ngunit patuloy lang 'yon sa pagtulo. Natigilan ako ng biglang may mag abit ng panyo sa'kin ngunit tinitgan ko lamang 'yon kaya siya na mismo ang nagpunas ng luha ko.

Kumunot ang noo ko at tiningala kung sino ang nasa harap ko.

dug.dug.dug.dug.dug

KEN!?

Nakita ko si Ken sa harap ko at mistulang nag aalala at naaawa ang sinasabi ng mga mata niyang nakatitig sa mga mata ko. Dahil sa sobrang pagkagulat ay tumalikod ako at pinunasan yung luha ko. Bakit naman sa lahat ng makakakita na umiiyak ako ay siya pa.

"A-anong problema?",tanong niya pa ngunit hindi ko pa 'rin siya liningon.

TEKA AKALA KO BA GALIT SIYA SA'KIN?

"Wala",maikli kong sagot at narinig ko naman ang pagbuga niya ng hangin. "Alam kong meron. At hindi kita pipilitin na sabihin sa'kin 'yon",saad niya pa at huminga ako ng malalim. Napatahan na rin ako sa pag iyak. "Iwan mo nalang ako mag-isa.pwede ba?", mahinahon kong tugon. It's not a command, it's pleading.

A Home With You[Ken Suson FANFIC- COMPLETED]Where stories live. Discover now