Chapter 43

580 18 5
                                    

"Pa'no tayo nakauwi kagabi?",

Napakabalikwas ako sa'king kama ng magisin at tumawag si Kaye. It's already 8 an the morning, ang sakit pa 'rin ng sentido ko. Iniisip kung paano ako nakauwi kagabi.

As far as I remember lasing kami ni Kaye and there's someone na dumating, I guess it's Josh.

"Hinatid tayo ni Josh?", I asked again.

"Ewan ko e, hindi ko pa siya nakakausap. Pinagalitan niya ko kagabi dahil sa pag iinom so maybe siya yung naghatid sa'kin", tumaas ang isang kilay ko dahil sa sagot niya.

"Ikaw lang?. Magkasama tayo diba?", tanong ko pa.

"Ewan ko kung sino naghatid sa'yo", huli niyang sinabi bago ako babaan ng phone.

WTF!?

Hayss. Ang importante nakauwi ako ng maayos. Ayokong mastress ngayong araw na 'to.

"Avoid negativity", saad ko pa habang minamasahe ang sentido. Pinapakalma ang sarili.

Bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig at kumain.

Maayos naman ang takbo ng araw ko ngayon. Walang bumabagabag sa'kin. Hanggang ngayon di ko pa 'rin nakikita si Ken— erase, erase!

Binilisan ko ang takbo ng kotse hanggang sa ihinto ko 'yon sa tapat ng coffee shop ko. Wala namang problema this past few days pero kailangan ko pa 'ring asikasuhin 'to.

"Good morning, Maam Ali!", bati ka agad ng mga staff at nginitian ko lang sila bilang sagot.

Linapag ko ang bag ko sa mini office ko rito sa loob ng coffee shop. Napansin ko ang dalawang babae sa tapat ko. Parang may gusto silang sabihin so I looked at them.

"Bakit?", I asked at napatikhim yung isang babae bago lumapit sa'kin.

"Maam, may naghihintay po kase sa'yo. Gusto ka daw po niyang makausap. Actually, kanina pa po siya nag hihintay", saad nito kaya kumunot ang noo ko.

"Sino daw? Client?", tanong ko pa.

"Mukhang hindi po", sagot niya kaya lumingon ako. Maraming customers na ang pumapasok sa coffee shop kaya hindi ko matukoy kung sino ang tinutukoy niya.

I looked at her to asked ngunit may nahagip ang mga mata ko. Nakaupo sa isang sulok habang malayong nakatingin sa bintana.

Ken..

Tumayo siya nang magtama ang paningin naming dalawa. Huminga ako ng malalim bago umiwas ng tingin.

"Can we talk?", may nagsalita sa'king likuran habang inaayos ko ang mga gamit ko. I know it's him. Base palang sa boses niya. Hinarap ko siya.

"Pwede tayong mag usap rito. About what?", matapang kong sagot.

Tumingin siya sa paligid. I guess hindi siya sang ayon na dito kami mag uusap. Masyadong maingay.

"Let's talk on some place that we both know", saad niya at tinalikuran ako. Kumunot ang noo ko. Pinagsasabi niya?

Nakita ko siya na pumasok sa kotse niya. Hinhintay ako? wth!? papasok ako sa kotse niya? huhu.

Huminga ako ng malalim sabay kuha ng bag ko. Wala na kong magagawa, I know him naka maghintay pa siya hanggang lumabas ako ng coffee shop. Baka tapos na yung shifts ng employees ko andito pa siya. Haays!

Kumatok ako sa bintana niya at binaba niya 'yon. Tinaasan ako ng kilay at sinenyasan na pumasok.

"May kotse ako. Susundan nalang kita", saad ko pa. Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. "Pagbigyan mo 'ko. Ngayon lang", saad niya at dahan dahang binaba ang pagkakahawak niya sa braso ko.

A Home With You[Ken Suson FANFIC- COMPLETED]Where stories live. Discover now