43 suspect#5- Chanel's Journal (Part 1)

6K 69 14
                                    

[A/N: Hi, I’m back after 2-month freakin writer’s block. Sorry to disappoint you, the update’s lame, wlang action eh. Just a bit inspired of Kikyo and Inu-Yasha’s forlorn love the time before Kikyo’s death. Ugh, **tears** what a heartbreakin story so when I’ve come up to imply this to Chanel’s situation. See you next  month..? 2 months again maybe? XD]

 

43 suspect#4- “CHANEL’S JOURNAL (Part 1)”

Moving in Manila was my own decision after kong maka-graduate ng highschool kahit ang gusto ng mga parents ko ay sa Cebu na lang ako mag-college. Nag-apply ako ng scholarship sa Manila, ang totoo wala pa namang clarification na pasok ako pero ang sabi ko na lang ay natanggap ako. Ang totoo kasi niyan nahihiya ako kay Tito Mon na siya pa ang sumagot ng pang-college ko dahil hindi naman niya talaga ako totoong anak. Gusto ko rin ng bagong adventure sa buhay ko living young individually.

Simple lang ang buhay namin sa Cebu, secretary si Tito Mon (ang kinikilala kong papa) ng isang newly open factory na may kinalaman sa Cebu fisheries dun habang si mama ay plain housewife at nag-aalaga ng dalawa ko pang younger na kapatid na parehong nasa highschool pa lang din; sina Sandrei at Charee. Actually, ako ang panganay ni Mama sa ibang lalake, ang Papa din ng sumunod kong kapatid na si Nana.

Nung nasa Manila na’ko, hindi ako natanggap sa una kong inapplyang scholarship, nag-try pa’ko sa iba kasi I’m so desperate na talaga kaya I was so lucky nung nakatanggap ako ng full scholarship sa SE University which is ine-expect ko lang naman ay half ay okay na. But all of these was the help pala ng biological father ko na si Papa Damian. Galit ako sa kanya dahil naging other woman niya si Mama at hindi man lang pinanagutan, pasalamat talaga ako dahil nakilala ni Mama si Tito Mon. Ayoko talaga siyang makita, after all those years then what heto siya at babawi ng panggastos sa ilang taong pagkukulang niya? If I know lang na siya pala ang magpa-paaral sa akin sana hindi ko na lang tinanggap.

Pero nung nalaman ko yun second sem na, 2nd year college na’ko taking BSN. Hindi rin bihira ang 2 years na yun na pag-aaral at gastos at extrang trabaho sa gabi. Nahihiya kasi ako sa family ko na ang buong akala nila full scholarship ako dito then hihinto lang pala ako. Gusto ko ring maka-graduate at suklian ang kabutihan ng kinalakhan kong pamilya kaya pursigido talaga ako. As a sign of courtesy dahil siya ang nagpapa-aral pala sa akin, nakipagkita ako sa biological father ko sa isang restaurant. Ito ang pangalawang pagkakataon na makikita ko siya ng personal, 6 ako nung una ko siyang makita at ngayon 18 na ako. Mag-isa akong naghihintay sa ni-reserve na table, hindi ko maisip kung ano ang mga sasabihin ka nung araw na muli kaming magkikita ng tunay kong Papa. Naisip ko nga, anong dapat kong maramdaman? Mag-thank you? Magalit? Matuwa?

Sakay ng isang magarbong kotse, lumabas ang isang matangkad na lalake na naka-Americana at dalawa nitong matatangkad din na bodyguard na naka-black suit at shades. Siya na nga si Papa, may ilang strands ng puting buhok pero well-built pa rin ang katawan niya. Muka lang siyang nasa mid-40s, maputi siya na mapila-pula ang balat, matangos ang ilong at aral ang mga kilos. Sumunod ding bumaba ang isang chubby highschool girl na naka yellow balloon dress, maputi siya, cute, kinky ang shoulder-length hair nya. Napatitig ako sa girl na’to, kamuka ko siya.

“You must be Chanel Cruz.” Napatayo ako sa kinauupuan ko at sumagot.

“Ako nga po.. P-pa.. Mr. R-rossi.” Bati ko. Hindi ko alam kung anong maitatawag. Ito ba ang tintawag na lukso ng dugo? Bakit nang makita ko ang maamong muka ng taong umabandona sa akin ay naglaho ang galit ko?

“Wouldn’t you mind? Kung ngayon ka lang mahahagkan ang anak ko?” Naging rough ang boses niya. Napatingin ako sa mga mata niya at nakita ko talaga ang sincerity ng amang sabik na sabik sa anak niya. Hindi ko maintindihan ang emosyong nararamdaman ko. Kaytagal ko ring hinintay to mula pagkabata, ang makita si Papa. Awtomatiko akong napaluha at hinagkan siya. Lahat ng galit ko sa loob ng mahabang taon bigla na lang naglaho. Doon ipinakilala ni Papa ang daughter niya na si Nana, she’s sweet and shy. Ipinaliwanag ni Papa ang lahat sa akin. Hinanap niya si Mama, gusto niyang makipagbalikan dito pero pilit na tinataboy ni Mama, hanggang sa sumuko na si Papa, hindi niya alam na buntis ito hanggang sa nang malaman na lang niya ay may pamilya na si Papa sa States. Gusto niyang bumawi sa pagkukulang niya kaya nung 8 pa ako, dinalaw niya ako sa Cebu at sasagutin daw niya ang suporta pero pinigilan ni Mama kaya nung nalaman niyang nasa Manila ako ay gusto nitong makatulong ng palihim dahil pag nalaman ito ni Mama ay baka hindi na naman ito tanggapin.

HuntressWhere stories live. Discover now