44 suspect#5- Chanel's Journal (Part 2)

5.2K 68 11
                                    

44 suspect#5- Chanel's Journal (Part 2)

After kasi nung nakitulog ako sa unit ng Khalil na yun, hindi na talaga kami nagkita mula nun dahil sinesante na rin ako sa bar kinabukasan! Wow, ang swerte ng destiny ko sobra. Ang maniac lang nya! Nanghahalik ng stranger! Pagka-gising na pagkagising ko kasi nun, wala na siya. Grabe, iniwan ang condo sa isang stranger, pasalamat siya hindi ako clepto at pinagkukuha yung mga gamit nya at pinagsasanla baka kumita pa’ko. May kasalanan nga lang ako, aksidente kong nasagi yung 5-feet silver plated sphinx statue dun sa may tabi ng flatscreen. Unfortunately, it shattered into pieces as in! Naisip ko na lang, ang tanga ko! Alam ko yung mga ganitong ceramics, aabutin ito ng 20K. Patay na! Dinustpan ko na lang sa gilid.

“Patay na talaga ko nito, kailangan ko ng umalis baka maabutan pa niya ko!” nag-iwan na lang ako ng sticky note sa double door ref nya. ‘Sorry and thanks. Hindi na talaga ko magpapakita!’ Umalis na lang ako at sinara yung pinto.

Thanks kay Pam nagkaroon ako ng ibang racket, promodizer sa isang mall yung pagsusuotin ka ng malaking mascot na banana saka sasayaw-sayaw. Mainit man sa pakiramdam pag suot yun pero enjoy na din. Nung nagstart na ng class sa SE University, nakapag-ipon ako ng extra allowance ko. I feel so vibrant. Iba pala yung feeling at early age magpapaka-independent ka sa magulang mo. Mahirap pero masaya, ang dami mong nadi-discover, kung paano magbudget, maging listo, maging praktikal, kung paano makisalamuha sa katrabaho at kung anu-ano pa.

After two months, nagstart na ang class sa SE University.

“Chanel! Hintayin  mo ako!” Si Pam. 2nd year BSN siya and 1st year lang ako. Nandito kami sa cafeteria. Grabe, sakit ng likod ko dahil sa racket ko kahapon, uminom muna ko ng pain-reliever.

“Gaga ka, inaraw-araw mo na yang pain-reliever ah. Sipag mo rin eh no. ” Pam.

“May alam ka pa bang part-time dyan? Dali na. Share mo naman.” Magbi-birthday na kasi si Sandrei. Padadalhan ko sana ng konting pang-blowout yung kapatid ko sa Cebu.

“Part-time na naman? Hmmm.. Matibay ba buto mo?”

“Naman!”

“Sama ka sa akin tomorrow.”

Hindi ko akalian na dadalhin ako ni Pam sa isang grupo na gumagawa ng indie film. At sa liit kong to, umoo ako na magpaka-weightlifter sa lakas. To cut the story short, stuntwoman. Ugh, pero madali lang naman, yung patatalunin ka mula sa 8th floor pero sa buong buhay ko hindi ko naman yun pinagarap o ginawa. Sa bagay hindi mo na mapupulot ang 3K sa daan may pang-gift pa ako.

****************************

“Chanel, wala ka ng class?” Si Lydon, freshman Engineering. Naka-tight white t-shirt siya and jeans sya saka may nakasukbit na sportsbag. Ang fresh lang niyang tingnan. May game yata sila ngayon. Basketball player kasi siya.

“Ahm, wala na eh. Sa work na lang.” tipid kong sagot.Hindi naman ako manhid para hindi mahalata na kung may gusto sakin yung tao. Lydon’s nice. And hindi lang ako comfortable na dun kami mauwi pareho sa gusto niya. Minsan nga naiinggit si Pam, bakit hindi ko raw sagutin eh isang starplayer yun at maswerte daw ako pag siya naging boyfriend ko.

HuntressWhere stories live. Discover now