Chapter 27: Drop Dead

7.4K 122 18
                                    

Chapter 27: Drop Dead

IVO'S POV

"Hey my new baby Seira. Kailangan ko nang lubusin ang quality time natin. Finally, I'll bring you home now."

"I promise you, I'll take care of you." Engine starts.

NANA'S POV

"What are you tryin' to say? You don't have to fall on your knees." I said. Hindi ko maintindihan bakit kailangan pa niyang gawin 'to sa harap ko. Matagal pa siya bago sumagot.

He looked up into me.

"I never forget about you. Yanna." Khalil said.

Paanong?

Parang paulit-ulit na nag-eecho sa tenga ko yung sinabi niyang yun. Ang tagal na pala niyang alam? Sinakyan niya lang ang lahat na pagpapanggap ko na hindi ko rin siya kilala? Hindi pa rin talaga ko makapaniwala sa mga narinig ko. Halos walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.

"Yanna, please. I'm sorry."

I can't take this anymore. Lumakad na lang ako palayo dahil hindi ko alam kung anong kaya kong isagot.

"Yanna, sandali. Magpapaliwanag ako."Khalil pleaded. Hinila nya yung kaliwang braso ko.

"Nung dumalaw ka sa Manila Cathedral, it was Chanel's birthday. Papunta na sana ako sa grave niya but you came along. Natakot ako na magpakita sayo dahil alam ko sa sarili ko na hanggang ng mga oras na yun isinisisi mo pa rin sa'kin ang pagkawala niya. Hanggang sa nalaman ko kung saan ka na nag-iistay at saang university ka pumapasok, I left my career to get near to you. I even lied that I don't know you dahil gusto kong mapalapit ulit sa'yo. Gusto kong makilala mo ako bilang dating Kuya Khalil na kilala mo. Forgive me that I keep this thing so long Nana."

Forgive him for that stupid lies?

"You made me fool all this time." I whispered. Inialis ko yung kamay niya sa braso ko. Nasa likod ko siya at hindi ko kayang lingunin pa. Matutuwa ba ako dahil kahit kelan hindi niya ko nakalimutan? Dahil gumawa siya ng paraan para maibalik ulit yung dating tiwala sa kanya?

"You made me stupid? Napaniwala mo ako na kakaiba ang mga tingin mo sa'kin dahil kahawig ko ang babaeng mahal mo? Na sa tuwing nakikita mo ako, naalala mo siya sa'kin? You're a great actor."

I was a fool enough. Napaniwala niya ako. Great.

"I'm sorry, Nana. Those were the times that I've wanted to confess that I recognized you." 

"But you don't!" Nilingon ko siya.

"At ano gusto mo?! That I should be the one tells you na 'ako to, kapatid ni Chanel, you still remember me? ' Yun ba ang gusto mong sabihin ko? Sana pala hindi mo na lang inamin eh, kasi okay na yung ganitong setup normal lang tayong magkakilala kesa yung ganito na mas lalo pang nadagdagan ang galit ko sa'yo."

"Yanna, please." Khalil.

"You're my philosophy instructor. Matalino ka but I guessed you can't differentiate the meaning of wisdom and knowledge. Hindi ko na siguro kailangan pang magreport, Mr. Vargas."

Magpapaliwanag pa sana siya pero lumabas na'ko ng office niya. Sinabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Ibang klase, isa syang manloloko. Hanggang kelan pa nya balak gawin 'to sa akin?

EDGE'S POV

Hindi nga siya pangkaraniwang babae, pinahanga niya ako sa pagkakasabi niya tungkol sa body ng sportscar ko. Hindi pa tayo tapos Nana, ikaw ang dapat mabura sa university na'to. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng auto.  Sumilip ako sa sidemirror. Kanino 'tong sportscar na nagbabalak umovertake saken?

HuntressWhere stories live. Discover now