Chapter 23

592K 12.9K 6.2K
                                    

Chapter 23

"Ay ang swerte!"

"Isa pa! Isa pa! Isa pa!"

"Bunot ulit! Gusto din namin!"

What I did? Heck I care face and shrugged.

Kung akala niyong naapektuhan ako, A-S-A. Ewan ko ba pero nakaramdam kasi ako ng di maganda. Di naman ganito ang pakiramdam ko kanina. Ang hyper ko pa nga di ba? Tsk! Tapos parang ang bigat ng balikat ko, ng katawan ko. At uh-oh, kumukulo ang tiyan ko!

"Sht." Pakiramdam ko alam ko na kung bakit.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Nakita kong pabalik na rin si Gatorade at kita sa mukha niya na naguguluhan siya kung bakit ako tumayo. Pero imbes na kausapin siya, dahil ewan ko ba pero nawalan ako ng gana, naglakad na ako papuntang CR.

"Oh'rayt! Relax mga teen hormones! HINGA! HOOO!"

Rinig ko ang tawanan nila bago ako makapasok sa CR. Napahawak ako sa ulo ko. Ah! Nahihilo ako. Hinanap ko ang phone ko at agad na dinial ang number ni bebs. Matapos ng limang ring, ang narinig ko lang ay isang mahabang busy line tone. 

Tsk. May klase pa ata.

Dinial ko ulit pero this time, lagi na niyang pinapatay! Nakakainis! Alam naman niya na pagtumatawag ako, ibig sabihin importante 'yun. Naman e! Sinubukan ko ulit ng dalawang beses pero ayaw niya talaga. Wag na nga! Lalo akong nahihilo!

Napatayo ako ng ayos nung may kumatok sa kabilang side ng pintuan ng CR.

"Alexa, okay ka lang ba?"

Napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Gatorade. Nakaramdam ako ng konting relief dahil siya yun. Sinundan niya ako.

"Oo..Okay lang ako."

"Sure ka? Baka kasi…" Alam kong alam niya kung anong pedeng mangyare sakin. Ahh! Patay ka sakin, Francis! Bakit mo hinayaan na painumin ako ni Gatorade ng Stress-out pill!

"Yup. I'm fine." I tried my best na masabi yun ng ayos. Feeling ko kasi pipiyok ako anytime.

"Alexa.."

Boyfriend Corp.Where stories live. Discover now