Chapter 36

512K 10.6K 2.6K
                                    

Chapter 36

 

"October last year." She said after taking a sip on her frap. It’s Friday afternoon and I’m having a coffee date with her. "Pero kilala ko na siya, matagal na. Schoolmate ko siya. Ahead ako ng isang taon sa kanila."

"Kanila?"

"Lance and Marcus." Tumango nalang ako. Tumingin ako sa glass window ng Starbucks. Hindi ko alam kung bakit ako napasama sa kanya. I just found myself in here, making a chit chat with her.

"Kayo, kelan kayo nag-start?" Napatingin ako sa kanya at dahan dahan umiling. That memory always makes me laugh. "Not fair. Kwento ako ng kwento pero ikaw. Come on, spill it."

"We actually had a bad start."

"Bad start?"

"Yup." Sabi ko while nodding. "I slapped him."

"Oh!" Napalakas masyado ang boses ni Aly kaya napatingin samin yung ibang tao. Nagpeace sign naman siya at ngumiti. "Wow. No one dared to hurt him."

Tiningnan ko lang siya, waiting for a continuation. Inayos niya ang pagkakaupo sa sofa at mahinang bumuntong hininga. After nung encounter namin last Monday, ngayon lang ulit kami nagkita sa BFC. At yun, hinila na niya agad ako dito.

Tinext ko naman si Gatorade na wag na muna akong sunduin. Nagreply naman siya ng OK, without asking kung bakit hindi ako nagpapasundo. I don't mind.

"Halata naman di ba? He has this pretty face na parang ayaw mong ma-damage." She chuckled. Nirest niya yung ulo niya sa likod ng sofa at diretsong tumingin sakin. "Kaya nakakapanghinayang saktan ang mukhang yun."

"Kahit sino naman naga-gwapuhan sa kanya."

"True." Ininom ko yung frap ko at tumingin ulit sa labas. Ewan ko pero tingin ako ng tingin sa labas. "Friends kami ni Gatorade nung high school. Pareho lang kami ng circle of friends. We were classified as the Popular Students dun sa school namin. I excel in Acads while Gatorade sa Sports."

Accountancy student si Aly at nago-OJT siya sa Art Stuff. Akala ko employee na siya dun. We rarely meet kasi andun siya sa fourth floor kung nasaan ang lahat ng paper works ng Art Stuff. Yung lugar na sinasabihan ng "boring" ni Matt.

"Obvious din naman sa mukha namin na talagang sisikat kami." She laughed. 

Boyfriend Corp.Where stories live. Discover now