Chapter 12

685K 15.4K 8K
                                    

Chapter 12

[Francis Madrigal's  POV]

Narinig ko ang sigawan ng mga customers! Welcome heaven, again! Hoo! Ang dami na namang customers na gustong pagpyestahan ang Free demo. Ang hirap hirap talaga ng trabaho ko pero ewan ko ba! Pag nakakakita ako ng masayang babae, natutuwa ako.

"Good morning, girls! Calm down please. Calm down!" saway ko sa mga di papigil na kababaihan na halos magwala na sa harapan ng stand. At katulad last week, ang haba na naman ng pila. Hohoh! Tiba tiba na naman 'to!

May pera ka na naman, Francisco-oh-oh! *Cha-ching!*

"Ako muna! Ako muna!!" Nagulat ako nung biglang may babaeng nakipagsisikan at talagang pinagtulakan ang mga babaeng nakahara sa daan niya. Hala! Sabing calm down e!

"Hep hep! Miss, walang tulakan!"

But oh, hindi naman ata ako narinig e.

"Ako muna kasi!" ulit niya. Walangya! Ang lakas ng boses! Napatigil ang mga taong malapit sa kanya. Natigilan sa sigaw niya. Nakalunok ata 'to ng megaphone e!

"Ah.. Mi—"

"I want this guy. ASAP." Napatameme ako nung may nilapag siyang picture sa may stand.

"Oh!" Tiningnan ko 'yung picture. Asul ang buhok. Mehe. Kilala ko naman 'tong lalaking 'to. Siya lang naman kasi mahilig magkulay ng buhok e. Take note: Rare dyes pa! "Sorry to inform you, Miss. Pero taken na si Gatorade e. Hehe."

"What?!"

Napapikit ako at tinakpan ang tenga ko sa lakas ng bunganga nung babae. Grabe! Talo nanay ko sa pagkaarmalite!

"Yes. Nakuha na po siya last wee—"

"This is so not happening!" Hala. Nalintikan na.. "Five months siyang hindi nakuha ng kahit sino tapos bigla bigla lang siyang makukuha ng ganun?! No way! Nagipon pa naman ako ng pera enough for his hiring fees!"

Kamahal nga naman kasi ng hiring fee ni Gatorade. Masyado naman kasing in demand yun kahit lima palang ang nagiging clients. Iba na talaga ang charisma ng lalaking 'yun. Wala namang iba sa kanya. Pareho nga kaming gwapo e! Siguro ang lamag niya lang sakin ay ang asul na buhok ng lokong yun.

Boyfriend Corp.Onde as histórias ganham vida. Descobre agora