Lie #1: Rafael Silvestre

76 2 17
                                    

"HELLO, LADIES."

Nasa loob ako ng isang kuwarto. Kasama ko rito ang tatlong babae na hindi na bago sa aking mga paningin. Pero baka sa kanila, ngayon lang nila ako nakita.

"Does anyone here know me?"

"Lolli," bulong ng isa. Ito si Sienna.

Ngumiti lang ako. "Sienna Agbayani."

"Kilala mo ako?" gulat na sabi nito.

"Lahat kayo." Sunod ko namang tiningnan ang babaeng medyo may edad na. "Otoha Bartolome."

"Who are you?" tanong nito sa akin.

"Renee Tolentino," tawag ko sa babaeng mukhang bata, pero may itinatagong kamalditahan sa mukha.

"Sino ka ba, ha?"

Napangiti ako sa kanilang mga reaksyon. "Ako si Lolita, ang asawa ni Rafael Silvestre. At kayong tatlo ang kabit niya."

"A-Asawa?" utal na anas ni Renee.

"Yes, for 12 years. 20 pa lang ako, nagpakasal na kami ni Rafael. Naging mag-boyfriend-girlfriend kami for two years during college, and when we graduated, nagpakasal na kami. There are a lot of factors, actually, kung bakit siya nangabit. Unang-una, na-miss ng asawa ko ang bachelor life niya. Hindi siya nakarami ng babae during his college life. Imbes na makipaglandian sa iba, nag-focus siya sa pag-aaral. No wonder he became one of the top lawyers in this country. Nasa Top 20 pa sa Bar. And it's not rocket science to think that he would have the need to flirt with women, despite his unfortunate marriage. Pangalawa, I am infertile. Ang ine-expect niyang pamilya na makukuha niya sa akin ay hindi matutupad. Kaya siguro nakikipag-sex siya sa inyo to bear one. At pangatlo, I became too distant. I've had several academic titles. Hindi ko na siya nabibigyan ng atensyon, kaya naghanap siya nito sa iba," mahabang litanya ko.

"'Yon naman pala, eh. Iwanan mo na siya, girl," mariing sabi ni Sienna.

I winced. "Kasal kami. Iyon ang pinanghahawakan ko na kahit kailan hindi mapapasainyo."

"So, kaya kami narito para ipamukha sa amin 'yan? Para hiwalayan namin si Rafael?" may pagtataas ng tinig na sabi ni Oto.

"Up to you, Oto. Sooner or later naman ay makakahanap siya ng iba, someone fresher. Someone younger," pagbawi ko sa sinabi nito.

"But not as experienced and mature as me," hirit ni Oto.

"Gurang," bulong ni Renee.

"Bitch, what did you say?" ani Oto na nagdabog pa.

"Kalma lang, mga 'te. 'Wag nga kayong feeling special. 'Kala niyo naman binabahay kayo," singit ni Sienna.

"Saan? Sa townhouse sa Cainta na binili ko? Kung saan ka pinatira? For free?" I grinned sarcastically after saying that.

Napalunok na lang si Sienna.

"Gold digger," bulong ni Renee.

"Pokpok ka!" sigaw ni Sienna kay Renee.

"Well, that's 100% true," dagdag ko.

"Sa true?" gulat na reaksyon ni Sienna.

"Escort, to be specific. Masyado raw pang-Makati Ave ang pokpok. Tsaka she's studying to be a businesswoman someday. Pa-graduate na nga siya, eh," paliwanag ko.

"Wow, thank you, ha," sarkastikong anas ni Renee. "At para sabihin ko sa 'yo, hindi pera ni Rafael ang ginagamit ko!"

Oto scoffed. "Well, mas malaki nga naman siguro ang kinikita mo per night sa... Kung hindi ka sa Makati Ave, sa Tomas Morato ka ba tumatambay? O sa Cubao?"

"Fuck you!" Akmang sasampalin ni Renee si Oto, pero pinigilan ko ito.

"Stop it, ladies. Ayokong magkalat pa kayo rito sa bahay ko. Lahat tayo ay involved kay Rafael Silvestre. I'll give you that. Pero gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi ko siya hihiwalayan."

"So, ano'ng point ng pagpunta namin dito?" tanong ni Sienna.

"Yes, hindi ko siya hihiwalayan, pero to have this eternal peace, hindi ko rin kayo pipigilan na makipagkita sa kanya, makipag-sex, makipag-relasyon, o kahit magpabuntis pa kayo sa kanya. Kayo ang bahalang mag-schedule ng mga sarili niyo. I don't care."

Pinaningkitan lang ako ng mga babae. They must be thinking that I am saying something stupid or crazy.

"So, what's the catch?" tanong ni Oto na mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Catch? Walang gano'n, mars. Go with the flow lang ako. Again, kasal kami ni Rafael. Iyon na lang ang mayroon ako na hinding-hindi niyo makukuha habang nandito ako. I realized, nakakawala ng ganda," sabi ko saka tinuro si Sienna. "kapag nasa bahay lang. Also, nakakatanda," sabi ko naman saka itinuro si Oto. "kapag hindi mo inaasikaso ang sarili mo, and most of all, nakakatigang," turo ko naman kay Renee. "kapag hindi ka na sine-sex ng asawa mo. So, I had a career. It made me whole. Plus the failed marriage that isn't worth saving, but something worth keeping... Sayang ang memories of twelve years."

"Ang kapal mo namang tawagin akong pangit, pakshet ka!" inis na sabi ni Sienna.

"Correction, ang sabi ko, nakakawala ng ganda. Sa 'yo galing ang salitang 'yan," tanging komento ko kay Sienna.

"Mag-iinsultuhan lang ba tayo rito?" giit ni Renee.

"Oh, no, dear. That's the least I can do to hurt you. We both know that we can't like each other, pero gaya nga ng sinabi ko, you're free to fuck, commit, or even have a home with my husband. Hindi ko kayo pipigilan. No catch. I promise."

"Okay, sana nag-email ka na lang. Sinasayang mo ang oras ko," ani Oto saka tumayo.

"Please, this is not a business proposal. This is life. Mabuti nga't ishine-share ko sa inyo ang asawa ko. I'm not some psychotic wife who just stabs you with a butterfly knife. Yes, Batangueña ako, pero mas nilalabas ko ang talino ko over tapang. At tsaka mabuti na ang nagharap-harap tayo. At least, wala nang ilangan next time. Or wala nang eskandaluhan."

"No way..." Parang nahimasmasan na si Renee sa mga nangyayari. "Hindi ko kaya ang mga ganitong shit."

"So, makikipaghiwalay ka na sa asawa ko? Ikaw bahala. Kung kaya mo. You know how irresistible he is."

Ang gaga, medyo natigilan. Mukhang nagdalawang-isip sa sinabi ko.

"I'm done," ani Oto na lumisan ng silid.

Lumabas na lang din si Renee na wala nang nasabi.

Tumayo naman si Sienna at sumigaw, "Puke mo, baog!"

"Correction. Flawless na baog," pagtatama ko.

The Magnificent Women of Rafael SilvestreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon