Lie #10: Chief Inspector Lamberto Andalucia

27 0 0
                                    

"CHIEF, WHERE IS SHE?"

Balisang tanong ni Rafael iyon sa hepe na kababalik lang ng bahay ng mga Silvestre. It has been eighteen hours since Lolli was missing. Kahapon lang ay magkasama si Rafael at Lolli sa Delano's.

"Pasensya na, Attorney Silvestre. Wala pa rin kaming makuhang lead sa mga nalikom naming impormasyon," tugon ng hepe. "pero hindi kami hihinto. Humingi na ako ng tulong sa NBI para mahanap natin si Mrs. Silvestre. Sa ngayon, hindi pa rin ma-contact ng team ang number niya. Hindi pa rin makita kung nasaan ang kotse ni Mrs. Bago ako pumunta rito, nagpadala na ako ng representative sa MMDA para subukang tingnan ang mga CCTV sa mga kalye. Nakikipag-cooperate na rin kami sa Mandaluyong City Hall ukol dito." Bumaling si Chief Insepector Lamberto Andalucia kay Lincoln, na naroroon sa bahay ng mga Silvestre. "Mr. Yturralde. May nag-inform sa akin na member ko na nasabi n'yo ho kanina na kayo ang huling nakausap ni Mrs. Silvestre kahapon ng alas-tres sa Delano's sa Pioneer Street sa Mandaluyong?"

"Yes, sir," tugon ni Lincoln.

"Bakit kayo nagkita?"

Napatingin si Lincoln kay Rafael. Napatingin din ito kay Carnation. Akmang sasagot na sana ito sa hepe ngunit nahinto ito dahil sa komosyong nangyari.

"Why am I being summoned here? I don't even like that bitch." It was Otoha Bartolome, approaching the living room.

"Kahit ako," dagdag ni Sienna na kanina pa naroroon at ini-interrogate ng mga pulis.

"Ano pa ako?" sabi ni Renee na naroroon din sa sala.

"Ang kakapal ng mukha n'yo!" galit na sabi ni Delphi. "Sigurado akong isa sa inyo ang may pakana nito! Ilabas n'yo si Lolli! Mga hayop!"

"Easy, Delphi. Calm your pits," ani Xiomara, saka tinapik-tapik si Delphi.

"She was lovely," sabi ni Carnation.

Pinanlakihan ni Delphi ng mga mata si Rafael, saka tinuro si Carnation. "Pati sa bakla?"

"Excuse me, who are you?" tanong ni Carnation. Base sa hitsura nito, nairita ito sa pagkakasabi ni Delphi.

"My god, Rafael! Nagdagdag ka pa talaga ng bakla? I can't imagine this! I can't even look at this person," gigil na wika ni Delphi.

"I am a woman. Trans woman is also a woman, just so you know. Educate yourself, tonta," marahang sabi ni Carnation.

Hinila na agad ni Xiomara si Delphi bago pa ito makalapit kay Carnation. "Not the right time, Delphi. Again, calm your pits."

"Mawalang-galang na ho sa inyong lahat, pero wala ho tayong matatapos kung mag-aaway-away kayo ngayon dito," putol ng hepe sa komosyon. "Kayong lahat ang nakasalamuha ni Mrs. Silvestre sa loob ng huling apat na araw, ayon sa inyong mga testimonya. Ano sa tingin n'yo ang posibleng dahilan ng pagkawala ni Mrs. Silvestre? May nakaaway ho ba siya sa inyo? Nakasamaan ng loob? O baka may kakilala kayo na may galit kay Mrs. na posibleng may sala sa krimeng ito?"

Umarko ang kilay ni Delphi kay Rafael.

Pabuka na ang bibig ni Rafael nang biglang tumunog ang doorbell. Si Delphi na ang lumapit sa pinto para tingnan kung sino iyon.

"Oh, delivery. Rafael? Nagpa-deliver ka ba ng pizza?"

Tumayo si Rafael at lumapit sa pinto. "Yeah, two hours na tayong walang kibuan dito. Might as well have a snack. Kain muna kayo."

Matapos bayaran ang delivery boy ay inilapag ni Rafael sa center table ang tatlong pizza boxes, dalawang 1.5 liter soft drinks, plastic cups, tissues, at kung ano-ano pang nasa plastic bag na kasama ng delivery. Wala rin stay-in na house helper ang mag-asawa dahil parehas namang independent ang mga ito.

"Buti naman." Si Renee ang unang nagbukas ng pizza box.

"Patay gutom lang, bakla?" komento ni Sienna.

Pinanlisikan naman ito ni Renee ng mga mata.

"Parehas lang kayong mahirap, nagtatalo pa kayo. Oh, someone's earning five digits every night nga pala," pambubuska pa ni Oto.

"Chief, kain ho tayo," aya ni Rafael, saka kumuha ng isang slice ng pizza.

"Salamat, Attorney," tugon ng hepe, na tila may kausap sa cellphone ilang sandali ang nakararaan. "sa susunod na lang, pero babalik muna ako ng headquarters. May kailangan lang akong agad na asikasuhin, pero pagkatapos ko doon, babalik agad ako rito."

"Thanks, Chief." At hinatid ito ni Rafael sa pinto habang ngumunguya.

Tahimik ang paligid sa pagbabalik ni Rafael sa living room. Walang nag-uusap. Nagsisipagkainan lang ang lahat ng pizza.

"So... Wala bang aamin sa inyo kung sino ang may pakana nito?" pambabasag ni Rafael sa katahimikan.

"Not me. Magkasama tayo kahapon. Alam mo 'yan," tanggi ni Carnation, kung saan pinandilatan ito ng lahat.

"Nag-o-online selling ako kahapon," sabi ni Sienna habang puno ang bibig ng pizza.

"May klase ako hanggang seven-thirty ng gabi," ani Renee.

"Nasa café ako hanggang closing," ani Oto.

"Galing ako ng DOJ kahapon," sabi ni Xiomara.

"I'm in a salon, buong araw ako roon kasi nagpa-rebond ako ng buhok," sabi ni Delphi.

"At ikaw?" tanong ni Rafael kay Lincoln.

"Sabi ko nga, iniwan ko na si Lolli sa car park," tugon ni Lincoln.

"Ano'ng ginagawa mo sa Delano's kahapon?" tanong ni Rafael na naniningkit ang mga mata.

"Hindi mo na kailangang malaman," angil ni Lincoln.

Naningkit ang mga mata ni Rafael. "At bakit hindi ko kailangang malaman? Ikaw ba ang may pakana ng pagkawala ni Lolli?"

"Kung ako ang may sala, noon ko pa sana siya kinuha palayo sa 'yo!" bulyaw ni Lincoln. "Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, baliw na baliw si Lolli sa 'yo."

Rafael winced. "Mas kabaliw-baliw naman ako kaysa sa 'yo. I can prove it to you," saka tiningnan ni Rafael isa-isa ang mga babaeng naroroon.

"The fuck," bulong ni Lincoln. "Oo nga pala. I should know."

"Know what?" ani Xiomara na tila nakuha ang atensyon ni Lincoln.

"Na lahat kayo... Lahat kayong babae na naririto... ay mga babae ni Rafael Silvestre."

"Watch it, bud," tanggi ni Xiomara. "Careful with your words."

"Baliw ka ba?" asik ni Delphi.

"Hindi... ako... baliw..."

Hindi na naituloy ni Lincoln ang sinasabi nang bigla na lang bumagsak ito sa lapag.

Ganoon din ang mga babae ni Rafael Silvestre.

At si Rafael.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Magnificent Women of Rafael SilvestreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon