Lie #4: Sienna Agbayani

18 2 10
                                    

"BAKIT KA NANDITO?"

"Sa bahay ko? Just visiting." Totoo naman. Ako ang naghulog ng down payment sa townhouse na ito na tinitirhan ng babaitang Sienna na ito. Si Rafael lang ang nagtuloy na magbayad at nag-furnish.

I was supposed to use this townhouse for my B&B business. That was six months ago. Ibinigay ko na kay Rafael ang responsibility dahil busy ako sa research na ginagawa ko that time. Hindi ko akalaing may regular na palang 'umuupa' rito. Or should I say, may 'parasite' na nakatira rito. I'm sure you've watched the blockbuster hit.

"You're not welcome here," sabi ni Sienna.

"Baka ikaw. Kasuhan na lang ba kita ng trespassing?"

Napalunok lang si Sienna.

"Aren't you going to let me inside your... I mean, my house?"

Wala nang nagawa si Sienna nang dire-diretso akong pumasok. In fairness, magaling mag-alaga ng bahay si Sienna.

Maganda ang kurtinang ginamit niya para harangan ang sinag ng araw mula sa glass window. Mukha lang cheap ang material, pero okay ang design. Parang regular na nalilinis din ang living room dahil sinubukan kong pahirin ang coffeetable, at wala namang dumikit na alikabok sa kamay ko. Pinagpag ko rin ang throw pillow sa sofa. Wala ring alikabok. I liked the dim light, it's not that bright. Ayaw ko rin ng masyadong maliwanag. The coffeetable books and even the shelf below the TV were arranged well. Don't know kung alphabetized, pero nakasalansan ito nang maayos at walang naka-slant na libro. The color of the footrags perfectly matched the floor tiles. In all fairness, she deserves a medal for keeping the house as spotless as this.

"Bakit ka nga nandito?" mataray na wika ni Sienna.

"Binibisita ko lang ang bahay ko nga. And in all fairness, I appreciate what you've done in this abode. Ang galing mong mag-maintain, ha?"

Napangiti naman ito sa compliment ko. I meant the compliment, but complimenting her specifically was totally out of question. "Salamat."

"Binibigyan ka ba ni Rafael ng budget for maintaining this? Or sarili mong pera? "

"Hati kami."

"How much are you earning pala sa online selling mo? Enough to buy that cheap curtain? But I love teal. Good choice of color, though."

Biglang sumimangot si Sienna. "Paano mo nalaman 'yan? Shuta ka, grabe ka sa cheap, ah! Sa Bangkok ko pa nabili 'yan?"

"Sa'n banda? Sa Patpong? Sukhumvit? Ratchadaphisek?"

"Sa kilala kong ladyboy, bakit?" tugon nito.

She must have not gotten the references of the places I mentioned.

"Anyway, so marami ka nang na-budol sa internet? Tama ba ang word ko? Budol?"

"Legit ang lahat ng mga binebenta ko. May supplier ako sa Thailand at Vietnam ng products ko," giit nito. "Nandito ka ba para manlait?"

"Come on. Panlalait ba ang sabihing pangit ka or cheap? That's basically telling the truth. Anyway, wala ka man lang bang io-offer sa akin na juice or coffee or tea?"

Pinamaywangan pa ako nito. "Lagyan ko kaya ng lason, sis?"

"Oh, dear. Please. I have my people who knew that I am here. Ikaw din. Mahirap mag-online selling sa kulungan. Oh, do they allow it there? Parang hindi."

"Sinasayang mo ang oras ko, Lolli. Wala akong panahong makipagkudaan sa 'yo," ani Sienna saka tinalikuran ako.

Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo. "And that's Lolita for you. Hindi tayo close para tawagin mo akong Lolli. I have one thing to find out why I am here. Bakit ka pumayag na maging kabit ni Rafael?"

"Dahil mahal ko si Rafael," she said with full conviction.

"Mahal mo ang asawa ko?"

"Hindi lang naman ikaw ang may karapatang mahalin siya. Lahat ng kahit sino ay puwede."

"That's bullshit. 'Yan ang argument ng mga kabit? Ano'ng tingin mo sa asawa ko, free taste sa mall? Sample, gaya ng online selling products mo na free for all? Condom na one-size-fits-all? For free public consumption?"

"Tinanggap ko ang pagiging kabit niya, dahil tinanggap niya ako bilang tao. Alam ko, Lolli, na gaya ng lagi mong sinasabi na hindi ako maganda. Pero hindi mo alam ang pakiramdam na itrato kang parang tao dahil sa kalooban mo. Chaka ako, sis, true, pero busilak ang kalooban ko. Tinulungan ko si Rafael na makaahon sa kalungkutan sa mga panahong wala ka sa tabi niya. Imagine, inuna mo pa ang conference mo sa Bangladesh kaysa sa anniversary niyo? Tapos, noong natalo siya sa kasong hina-handle niya na multimillion peso deal, nasaan ka? Nagto-talk sa isang symposium sa Turkey ng mga dissertation ek ek mo? At higit sa lahat, nang namatay ang parents niya sa isang car accident, after two days, lumipad ka papuntang New York dahil para sa research kineme mo? Nariyan ako sa tabi niya sa tuwing wala ka. Pinatatawa ko siya, pinagagaan ang loob niya, at higit sa lahat, ipinararamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa. Baklang 'to," mahabang litanya ni Sienna.

I cannot argue with that. I know I am not the perfect wife. But I am the wife.

"I see. Okay, I'm leaving," sabi ko habang papunta na sa pintuan.

"So, ano? Gano'n-gano'n na lang? Aalis ka matapos akong magtatalak nang intense?" asik nito.

I showed her a faint smile. "Sienna, hindi ako naparito para gumawa ng girl group na tatalo sa Blackpink with mistresses as members. Besides, disqualified ka agad, and we know why."

"Nakakainit ka ng ulo, alam mo ba 'yon?" angil nito.

"Mukha mo rin naman. 'Di ko lang sinasabi, tsaka 'di ko lang pinapakita kapag kaharap kita," sabi ko habang palabas ng bahay... ko. On my peripheral vision, parang babatuhin ako nito ng suot na sapatos. I faced her and she let go of her foot.

"Please don't try harming me. Lahat ng gagawin mo sa akin ay babalik sa 'yo."

"Ano? Makakarma ako?"

"Nope. There's good karma, and I suppose you don't know that. I'd rather say... Boomerang? So, kung babatuhin mo ako ng sapatos, sapatos din ang babalik sa 'yo... or papatay, for that matter?"

And that was followed with a sinister chuckle.

The Magnificent Women of Rafael SilvestreWhere stories live. Discover now