Chapter 17: Evening Encounters

16.7K 1.4K 1.8K
                                    

A/N: Tension rises in this update! Enjoy the show!

A/N: Tension rises in this update! Enjoy the show!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

I FINALLY got to change my clothes. Pagkatapos na pagkatapos mismo ng huling team na sumabak sa pool relay challenge, nagpaalam na ako kay Priam. He offered na samahan ako—I meant, ihatid ako sa room, hindi samahang magbihis! I was about to refuse, pero na-realize kong good opportunity 'yon para ipakita sa nakaaligid na student leaders ang closeness namin.

Hindi ko alam kung dahil ba sa looks ko o sa suot kong two-piece, pero nakasunod ang tingin sa 'kin ng karamihan. Sanay ako sa atensyon, but not this kind of attention. I couldn't stand the stares and glimpses of some boys who passed by me. Mabuti't nandiyan si Priam na nag-cover sa 'kin habang naglalakad kami. Binalingan niya ng malamig na tingin ang mga lalaki. They quickly looked away.

Nagpasalamat ako sa kanya nang nakarating na kami sa villa. Dumeretso na ako sa girl's room at pumasok sa banyo. Amoy chlorine na ako dala ng matagal na pagkababad sa pool. I turned on the shower and washed away whatever smell lingered on my skin.

Hindi na ako masyadong nagtagal sa loob. Halos kalahating araw nang basa ang katawan ko. Baka kapag nag-stay pa ako rito, magkasipon na ako. Ten minutes ang akong nag-shower bago ako nagpunas ng katawan at nagsuot ng damit. Pagkalabas ng banyo, nakabalik na pala ang tatlo kong kasamang babae. The shower must have been so loud kaya hindi ko narinig ang pagpasok nila.

For tonight, I wore a loose shirt and skirt. Naka-wrap sa ulo ko ang tuwalya habang pinatutuyo ang buhok ko. Dapat ay mas magaan at mas komportable na ang pakiramdam ko, pero mabigat pa rin ang aura dito sa kuwarto. At mukhang alam ko na kung saan o kanino galing 'yon.

"How's the paper boat challenge?" tanong ko nang nakaupo na ako sa aking side sa kama. Sobrang awkward ng katahimikan kaya naisipan kong basagin 'yon.

"It went well," matipid na sagot ni Valeria. Nakangiti man siya, ramdam kong pilit 'yon. Kailangang mas galingan niya kung magpapanggap o magsisinungaling siya sa 'kin. "How about the pool relay? Mukhang nag-enjoy kayo, ha?"

I nodded. "The participants really had fun! Game na game silang sumidsid kahit mahapdi sa mata ang chlorine. Napasobra yata ang inilagay ng resort staff kaya hayan. Kahit ako, amoy chlorine kanina kaya naligo na agad ako."

"I wasn't talking about them. I was talking about you and Priam."

Napalunok ako ng laway. Halos mangawit na ang muscles ko sa bibig sa kangingiti sa kanya. She's still smiling at me too. Lalong bumigat ang atmosphere sa room namin. Parang naso-suffocate na ako. Pwede ba akong mag-excuse at lumabas na muna? Palagay ko, isang maling sagot ko rito, may sasabog na.

"So how was it? You and Priam?"

Nagtungo na sa banyo si Sabrina, dala-dala ang tuwalya habang nagawi naman sa amin ang tingin ni Tabitha. Kahit sobrang busy niya sa phone, malamang na-sense niya na parang may tensyon.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now