Chapter 93:

885 55 18
                                    

Thrizel's POV

Ito na naman ang pinaka-ayokong araw dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay. Humihikab akong sinalampak ang aking katawan sa sofa. Kinuha ko ang unan saka sinubsob ang mukha dito. Wala man lang akong makausap. Hindi rin ako p'wedeng pumunta sa bar dahil pinagbawalan ako roon ni Brooks. Pupunta palang ako, alam ko nang haharangin ako ng kaniyang mga tauhan.

"You're so lazy here at hideout. Aren't you going to entertain yourself?"

Napadilat ako ng mga mata, tinanggal ko ang unan na nasa aking mukha at tiningnan ang nagsalita. Akala ko ay si Brooks ngunit si Blue pala. Anong nakain nito para magsalita ng ingles? Nakakapagtaka lang. May mga nagagawa kasi siyang bihira sa kaniya. Baka hindi ko pa ito masyado kilala.

Inaantok akong sumagot sa kaniya. "Wala akong balak." Napatigil ako sa paghikab nang makita ko ang kaniyang kabuoan. "Saan ka pupunta? May lakad ka ba?"

Maayos kasi ang suot niya ngayon. May naamoy din akong men's perfume, mukhang sa kaniya. Malinis tingnan ang itsura ngayon ni Blue. Wala naman siyang tattoo sa katawan, may ekis lang ito sa noo at hindi ko alam kung saan galing.

"Uuwi akong baha-"

"Sama!" Agaran kong sigaw dahilan para itabingi niya ang kaniyang ulo habang naninigkit ang mga mata kung tumingin sa akin.

"Anong gagawin mo naman doon? Mas lalo kang mabuburyo."

"Sasama nga ako. Ayoko rito."

Wala na siyang ibang nagawa kun'di ang isama ako. Naglalakad kaming ngayong dalawa papunta sa sakayan. Maayos kumilos si Blue hindi 'gaya noong mga nakaraang araw na ang gaslaw. Mukhang inaayon niya ang kaniyang kilos sa kaniyang itsura, iyon ang pagkakaalam ko.

"Mayaman kayo, Thrizel, 'di ba?" Biglang tanong nito habang nakatayo kami sa waiting shed. Nakapamulsa siyang nagtitingin ng mga sasakyan.

"Bakit mo naman natanong?"

"Sumasakay ka ng jeep?" Nahihiya itong napakamot ng kaniyang batok. Kaya pala sa sobrang daming dumaan na sasakyan ay wala siyang napili dahil hindi niya alam kung anong sasakyan namin.

"Mukha bang hindi? Abnormal."

Sa aking sagot, hinatak niya na ako pasakay sa isang jeep na huminto sa aming harapan. May mga ibang pasahero din pero ang pinagtataka ko, nakatingin sila sa aking katabi, kay Blue. May grupo pa ng mga babaeng pasimpleng kinukuhanan ng litrato 'to.

Kinalabit ko si Blue para tanongin. "Bakit sila ganiyan sa 'yo?"

Tumingin muna siya sa lahat ng pasahero bago sumagot sa akin. "Hayaan mo sila." Hindi na ako nagtanong, sinunod ko ang kaniyang sinabi.

Huminto kami sa isang subdivision. Naglakad na kami papasok. Tingin pa ako nang tingin sa guard na baka harangin kami at tanongin pero hinayaan niya lang kaming dalawa. Hindi ba mahigpit dito? Sa ganitong subdivision, sobrang higpit ng patakaran nila.

Wala na akong naging imik. Tahimik ang kalsada, ilang minuto pa ang lilipas bago may dumaan na sasakyan. Wala ring taong mga naglalakad, kaming dalawa lang ni Blue ang nakikita ko. Sa ganitong katahimikan, dapat gumagawa na si Blue ng pag-uusapan namin dahil hindi niya magawang manahimik pero kakaiba ang kasama kong 'to ngayon.

Kita kong napabuntong hininga siya at huminto sa malaking bahay. Tiningnan ko ang kabuoan nito, sukat ko ay mayroong tatlong palapag. Hinawakan ni Blue ang gate ngunit nakasarado kaya nakuha niyang pindutin ang doorbell. Agad na nagbukas ang gate, bumungad ang isang katulong. Nanlaki pa ang mata nito nang makita kami.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now