Chapter 111:

666 56 16
                                    

Thrale’s POV

Isang araw kong pinag-isipan kong ibibigay ko ba sa dugyot na lalaki ang aking pinsan. Paano kung mali na naman ako ng hinala? Paano kung mali sila Link at Dominic? Naguguluhan ako kung sinong babae ang nakuha ko. Nagkamali ba talaga ako ng dampot? Parang dati lang gusto kong patunayan sa lahat na tama ang hinala kong buhay si Arella. Ngayon, hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ako sa aking hinala. Sa ganoong pag-iisip ako nang biglang tumunog ang aking selpon. Nakita ko agad ang pangalan ni mom.

“How are you, son? I have a good news!” Sabik na sabik ang kaniyang boses. Natawa pa silang dalawa ni dad.

“I’m okay, mom. Maayos naman kami ni Thrizel.” Pilit kong pasayahin ang aking boses.

“Uuwi kami ng daddy mo riyan. Miss ko na talaga kayong dalawa ng kapatid mo, kasama na si Anissa.” Lumungkot ang kaniyang boses ngunit may paglalambing. “Gusto ko na kayong makita. Hindi pa ako sure kung kailan ulit kami makakabalik diyan, can’t stay for complete family dahil marami pang gawain dito. Nakiusap lang ako sa tita mo na siya ang umasikaso rito. Lagi ko kayong iniisip kaya napagpasyahan kong kumustahin kayo, Thrale.”

Hindi agad ako nakapagsalita dahil natigilan ako. Uuwi sila mom at dad? Edi uuwi na rin si Thrizel dito? Kailan? Ilang araw?

“Talaga po, mom? Ilang araw po kayo?” Halata naman sa aking pananalita ang saya.

“Just 2 days, Thrale. Inaasikaso na namin lahat ng mga gawain dito para mabilis matapos. Don’t worry, hindi naman na aabot ng tatlong buwan, anak. Siguro bago magbalik eskwela, nandiyan na ulit kami. Alam mo naman itong daddy mo, kakabisita lang sa inyo, gusto na agad kayong makita.”

“Yes, mom, sasabihin ko na po agad kay Thrizel.”

“Osige, alagaan mo ang babae natin dahil makulit pa naman. Sana naman ay hindi na katigasan ang ulo. Ibababa ko na, Thrale. I’ll text you kapag magpapasundo kami sa aiport. I love you, anak.”

“I love you, too, mom. Ingat po palagi.”

Pinatay niya na ang tawag, binaba ko na rin ang selpon. Napatingin ako kila Dominic at Link na nakatingin din sa akin. Yes, magkakasama kaming tatlo. Pag-uusapan kung ano ba talagang gagawin sa Arella na aking hawak.

“Your mom?” Usisa ni Dominic.

“Yes.”

Wala siyang naging reaksyon, blanko lang. Hindi ko naman ‘yon pinansin.

“So what now?” Tanong ni Link habang umiinom ng juice. Nasa bahay lang naman kami, sa hardin ang aming p’westo.

“Sinabi ko na sa ‘yo na si Redelyn Gauniria ang hawak mong Arella ngayon. Kung ihaharap natin siya kay Phryx, kung tama ang hinala ko makikilala niya agad ang babae. Pag-isipan mong maigi dahil desidido ako ngayong idala si Redelyn kay Phryx.” Siguradong-sigurado na talaga siya sa kaniyang hinala.

Nag-isip naman ako pero biglang may sumagi sa aking isip. “Si Mr. X, naal—”

“Kilala mo siya?” Nalukot ang aking noo sa pagputol ni Dominic ng aking sasabihin dahil sa pagtatanong niya.

“Oo, bakit? Leader siya ng aming gang.” Bakit pakiramdam ko ay may alam siya? Pakiramdam ko inaalam niya kung sino ang nasa likod no’n. Kung ganoon, parehas kami ng pakay.

Umiling siya sa akin kaya muli akong nagsalita. “Naalala ko, he said na magtulungan daw kami. Tulungan ko raw siyang patayin si Arella.” Sa aking sinabi, napatutok ang dalawa sa akin. Walang duda na interesado sa aking sasabihin. “Si Redelyn Gauniria, may atraso ba siya kay Mr. X? Paano kung hindi maprotektahan ni Phryx iyon mula sa lalaking ‘yon?”

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora