Chapter 115:

632 49 3
                                    

Brooks POV

“Anong dahilan mo para matakot kay Thrale?” Pangkokonpronta ko kay Cide. Magkaharap kaming dalawa ngayon dito sa harap ng aking hideout. Ngayon ko lang siya natanong, puno ng tanong ang aking isip kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.

Napangisi siya pero wala lang ‘yon sa akin. Hindi ako apektado. “Wala ka na roon kung sino ang kakatakutan k—”

“Kaibigan ko si Thrale kaya dapat kong malaman.” Putol ko sa nakakainis niyang tugon. Wala talaga siyang kwentang kausap kahit kailan. “I repeat, anong dahilan mo para matakot kay Thrale Wrent?”

Tiningnan niya ako ng ilang sandali pero agad ding nilihis. Nagsindi siya ng sigarilyo. “Wala akong dahilan pero dapat lang na matakot sa kaniya.”

Nangunot ang aking noo sa sagot nito. “Pinagloloko mo ba ako?”

Hinithit niya ang sigarilyo sabay buga ng usok. “Lahat ng may kailangan sa akin, may kapalit. Bakit ko sasagutin ang tanong mo kung walang kapalit? Sasagutin ko lang kung ibibigay mo sa akin si Thrizel. Iyon lang, Brooks, sasabihin ko lahat ng mga nalalaman ko sa kaniya.” Napayukom ako ng kamao. Napansin niya kaya siya natawa. “Ikaw ang kaibigan ni Thrale, hindi ba? Bakit hindi mo alam?” Napadura siya.

“Hindi ko kayang ibigay ‘yang hinihinga mo.” Diretso kong sabi at tumalikod na. “Mas mahalaga pa rin si Thrizel kaysa sa mga nalalaman mo. Hindi ako uto-uto para magpalinlang ngayon dito. Kung hindi ka magbibigay impormasyon kay Thrale, solohin mo.” Nag-umpisa na akong maglakad papasok.

“Really, huh? Alama mo bang maraming takot kay Thrale?”

Natigilan ako sa paglalakad. Hindi siya hinarap pero nagsalita. “Marumi ba ang mga kamay niy—”

“Of course not. HAHAHAHAHAHAHA!” Gusto ko siyang lapitan para sapakin. “Lahat ng intensyon ng kaibigan mo, malinis. Bawat galaw niya, malinis. Hindi mo kilala kung sino ang kaibigan mo, Brooks. Lahat ay ayaw siyang kalabanin p’wera nalang sa isa.”

Sinong isa? Dominic? Iyong kaibigan ni Thrizel na maraming alam? O si Link na pakialamero? Putsang lalaking ‘to. Ang daming alam.

“Sinong isa?” Hindi ko mapigilan ang sariling hindi magtanong. Kating-kati akong malaman ang lahat.

“Si Mr. X.”

Dahil sa kaniyang sagot, hinarap ko siya. “Kilala mo kung sino ang duwag na lalaking ‘yon?”

“Malamang...” Napailing-iling siya. “Gagawin ko ang lahat para magkaharap ang dalawa. Sa oras na ‘yon, sisiguraduhin kong lahat ay malalama—”

“Takot ka kay Thra—”

“Kaya kong kumampi kay Mr. X lalo na’t iisa kami ng pakay.”

Natameme ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Kung may balak mang masama si Cide, pakiramdam ko talo na kami dahil hindi ko kilala kung sino si Mr. X. Kung malakas ba siya o hindi. Kaya ko ang grupo ni Cide, wala akong alam sa ipapanig niya. Hindi ko rin alam kung anong kayang gawin ni Thrale kapag nangyari ‘yon. Tinutupad ni Cide ang kaniyang sinasabi.

“Huwag mong idadamay si Thrizel sa gulo.” Inismiran ko pa siya bago muling naglakad.

“Talagang madadamay ang pinaka-iniingatan mo lalo na’t siya ang habol namin kung bakit ko ito gagawin.”

Hindi ko na pinansin ang kaniyang sinabi. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad dahil kahit ilang beses pa akong magtanong, sigurado akong wala siyang balak sagutin.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now