Chapter 127:

616 40 7
                                    

Kein’s POV

Nakatayo ako ngayon sa balkonahe. Ang mga tingin ko ay na kay Thrizel lamang. Pagkatapos naming mag-almusal, dumiretso agad ako rito para magpahangin. Mahangin naman sa baba, malakas nga lang dito kaya ito ang pinili ko. Nalibot ko naman na ang buong hacienda, hindi ko na kailangang maglakad-lakad pa. Sapat na ang aking mga nakita rito.

Tumutulong kasi si Thrizel sa mga babaeng kawani. Nagdidilig sila ng mga halaman, nandoroon din ang kaniyang nanay. Halata namang hilig ni Tita Threa ang magtanim. Hindi maalis sa isip ko ang kaniyang mga ngiti. Sa pagtitig ko, kabisado ko na ang kaniyang pagkatao.

“Hindi kaya matunaw iyan?” Nagulat ako sa boses na narinig ko sa aking likuran. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako dahil siya ang lalaking galit na galit sa akin.

“Link...” Pagbanggit ko nalang. Muli akong lumingon sa babaeng tinitingnan ko. Hanggang ngayon, may ngiti pa rin sa kaniyang labi. “Anong ginagawa mo rito? Nakakapagtaka lang. Hindi naman tayo malapit sa isa’t isa.”

“Galit ako sa ginawa mo sa aking pinsan pero ayos na iyon sa akin dahil ayos naman na siya.” Tumabi siya ng tayo. Na kay Thrizel din ang mga tingin. “Tanggap kong hindi mo mamahalin si Thrizel. Hindi mo nga siya obligasyon.”

“Kapag sinabi kong hindi, hindi. Hindi naman ako kailangang tanongin ng paulit-ulit. Kung anong nararamdaman ko sa kaniya, walang idadagdag iyon. Ang intensyon ko, kaibiganin lang siya.” Sana naman maintindihan niya ang sinasabi ko. Maayos din naman ito mag-isip, hindi ba? Muli akong nagsalita. “Ewan... Nakailang sagot at pamumukha na ako sa kanila, hindi pa rin matanggap.”

“Umaasa sila.” Napahinga siya nang malalim.

“Si Thrizel...” Lumingon ako sa kaniya na sinalubong niya ng kaniyang mga mata. “Matigas siya kapag sarado ang puso pero kapag may minamahal, lumalambot. Nakukuhang ngumiti, umaayos ang pakikitungo. Iyon ang naobserbahan ko.”

Natawa si Link ng mahina. “Alam mo naman yatang ikaw ang dahilan kung bakit siya ngumingiti, hindi ba?”

Inalis ko ang atensyon ko sa kaniya. Napahinga ako nang malalim at hinanap ng tingin si Thrale. Nakausap nito ang lalaking nagbabantay sa kuwadra. “Pakiramdam ko hindi...” Napalabi pa ako. “Bukambibig at hindi maalis ni Thrizel sa isip niya ang taong mahal niya. Hindi ko maipaliwanag. Ibang-iba siya noong mahal niya si Thrale dati kumpara sa akin. Nahahalata mo ba?”

“Ang alam ko, mahal ka niya.” Hindi niya na ako hinintay sumagot. Kusa na siyang umalis. Hindi ko nalang iyon pinansin. Hindi ko kasi masusuklian.

Thrale’s POV

“Salamat.”

Umalis na ako sa kuwadra, nagtanong lang naman ako kung p’wedeng hiramin ang kabayo. Sumang-ayon naman ang lalaki kaso wala ako sa kalagayang mangabayo ngayon. Sa buong araw, mukhang hindi ako gaganahan. Magkasalubong ang aking mga kilay na naglalakad hanggang sa may magmensahe. Nangunot ang aking noo nang mabasa. Napasinghal na rin dahil kailangan ko pang lumabas ng hacienda.

“Son, saan ka pupunta? Akala ko ba kabayo ang pakay mo?”

Natigil ako sa paglalakad nang mapuna ako ni mom. Hindi ko na tiningnan ang kaniyang likuran dahil alam ko namang kapatid ko ‘yon. “May pupuntahan lang po.”

“Bilisan mo, huwag kang magpapaabot ng gabi.” Pagtango na lamang ang tinugon ko.

Nang makarating ako sa labas. Sinamaan ko agad ng tingin ang naghihintay sa akin. Pati ba naman dito ay nandidito siya? Paano niya nalalaman kung nasaan kami? Iba talaga maglokasyon ang lalaking  ‘to.

Loving My Brother #2: Who's Thrizel?Where stories live. Discover now