#12WriterFearsNaDapatNatingTibagin

3.2K 177 17
                                    


Bilang regalo nung Pasko (2021), pinahirapan ko ang sarili via write-ups para tibagin ang fears ng mga manunulat (see next chapters). Naniniwala kasi akong authors can flourish kapag nasagasaan ang mga takot natin, hindi lang sa medium na pagsusulat, pero sa layf in general.


FEAR 01
Paano kung mahilig lang ako magkwento pero hindi pala nila naiintindihan ang kwento ko?

FEAR 02
Natatakot akong mabasa ng iba ang mga sinulat ko kasi paano kung hindi ko maibigay yung gusto kong iparating? Paano kung walang pakiramdam ang mga sinusulat ko?

FEAR 03
Paano kung marami akong ideas pero hindi ko sila maisusulat, matatapos, o kapag naisulat at natapos ay hindi ko maja-justify ang outcome niya? Paano kung hindi ko magustuhan ang sinusulat ko?

FEAR 04
❝ Paano kung hindi ako enough? Paano kung may mas deserving pa kaysa sa akin? Paano kung mas magaling sila kaysa sa akin? Paano kung mas mahigitan nila ako? Paano kung mas worth it basahin ang sa iba kaysa sa sinusulat ko? ❞

FEAR 05
Technically, natatakot ako sa typographical errors, grammar inconsistencies, at misspelled words.

FEAR 06
Paano kung ma-fall out of love ako sa mga salita? Nakakatakot dumating ang araw na ayaw ko na pala magsulat para sa sarili at mawalan na ako ng gana.

FEAR 07
Paano kung nagsulat ako, hindi pala magustuhan ng lahat? Paano kung kaunti lang ang magbabasa at makaka-appreciate ng gusto kong iparating sa mga isinulat ko?

FEAR 08
Natatakot akong maramdamang nakakadena ako sa isang story at alipin ako para tapusin ko sila kahit ayaw ko na pala talaga.

FEAR 09
Natatakot ako dahil hindi lang naman ako ang magbabasa ng gawa ko, e. Paano kung mayroong mali or baluktot akong perspective sa sinusulat ko? Paano kung maturuan ko ng mali yung readers ko?

FEAR 10
Paano kung napag-iiwanan na ako sa pagsusulat?

FEAR 11
Nakakatakot mag-back to zero ako sa pagsusulat.

FEAR 12
Paano kung ma-realize kong hindi naman talaga ako marunong magsulat? Paano kung hindi ko mapanindigan ang pagsusulat? Paano kung wala naman pala akong skill for this at guni-guni ko lang lahat? Paano kung nadadala lang ako sa ibang tao kaya naiisip kong passion ko ito? Paano kung inggit lang ako?


Mababasa sa next chapters ang pagbagsag at pagtibag sa mga takot.

Handa ka na ba?



Ang fears sa series na ito ay binase sa mga takot ng authors under my community, #GuiltyReads.

Naka-post na ito sa FB page kong Pilosopotasya na may umiiyak na Natsu as DP. :D

Editing help by d_lavigne :)




Wattpad: pilosopotasya
Twitter: @ulaaaann
Instagram: @screenshots.ni.rayne
Facebook Page: Pilosopotasya (fb.com/plsptsya)

Email: plsptsya@gmail.com  

12 writer fears na dapat nating tibaginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon