𝐅𝐄𝐀𝐑 𝟎𝟗 [ mali yata tinuturo ko as author ]

404 42 13
                                    


Natatakot ako dahil hindi lang naman ako ang magbabasa ng gawa ko, e. Paano kung mayroong mali or baluktot akong perspective sa sinusulat ko? Paano kung maturuan ko ng mali yung readers ko?



𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝟗𝐭𝐡 𝐩𝐨𝐬𝐭 𝐬𝐚 #12WriterFearsNaDapatTibagin 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang pinakatanong talaga rito: Ano nga ba ang baluktot na perspective at ang maayos na belief? Mayroon ba talagang 'the right path' o bias lang tayo sa sarili?

Bilang mga tao, may mga belief system tayo.

Bilang mga manunulat, we want express ourselves through writing.

So ang tanong talaga muna rito ay – 𝗮𝗻𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗼𝗽𝗶𝗰 𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗺𝗼?

✨ Dapat ba maging politically correct ang lahat ng nangyayari sa kuwento?

✨ Aalisin na ba natin ang character development na maaaring mangyari?

✨ Mawawala na ba ang room for improvement ng character beliefs?

✨ Ano ang magiging lessons learned ng characters kung lahat sila ay "tama" in a societal way?

✨ Hindi ka ba firm sa iyong belief system as an individual na malaki ang chance na mabasag ito ng iba dahil baluktot pala?

May lima akong puwedeng isagot na puwedeng pag-isipan in writing warped themes and different perspectives:

𝟭. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗴-𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗵𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗶𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘆𝗼.

Lagi nilang sinasabi na writing is a lonely journey pero naniniwala akong maaari tayong maghatak ng mga tao sa dark side (hahaha). We can always have an outside perspective. Mahirap man makahanap, but we can always ask for help lalo na kung genuine ang connection mo sa taong hihingan ng tulong.

Critique partner, beta reader and / or sensitivity reader. Sila ang mga indibidwal na maaari nating makakuwentuhan about our ideas. Maaari ding ipabasa natin sa kanila ang mga sinulat natin to check and recheck the story's theme.

Tbh, sobrang nakakatulong din ang makahanap ng normal na mortal (xD yung hindi nagsusulat o kahit reader) to know the perception of an outside person about a certain topic.

By asking for someone's help, nasasala na agad ito bago pa mabasa ng karamihan. Kung ang fear ay may maiturong mali, then dapat open tayo sa ibang tao to read it first para malaman natin kung ano pa ang butas o ano pa ang mga dapat ayusin sa perspektibong magagamit sa kuwento.

𝟮. 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗺𝗲 𝗮𝗿𝘁 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗵𝗮𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗮𝗺𝗲 𝘁𝗵𝗲𝗺𝗲 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗮𝗺𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗱𝗶𝗳𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲.

Kung walang kakilalang tao, puwedeng-puwede rin gawin ang pag-consume ng art. Marami na ang nagawang movies, marami na ang nasulat na libro, at marami na rin ang na-compose na kanta. For sure, one way or another, ang mga 'perspective' mo sa isang topic ay macha-challenge ng mga art na ito.

Sabi nga nila, ang art (o puwede ring pagsusulat), ay isang paraan para malaman mo ang isang bagay for the first time, malaman mo ang bagay na ito in a different light, may dagdag kang kaalamang makukuha, o 'di kaya ay iba't ibang perspective tungkol sa isang topic.

𝟯. 𝗚𝗼𝗼𝗴𝗹𝗲 𝗶𝘀 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱, 𝗿𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗶𝘀 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗯𝗲𝘀𝘁 𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱.

Nakakatulong ding backup ang research sa mga ganitong klaseng problema. If you have a theme or perspective na morally gray ay puwedeng-puwede mo ito i-research at alamin ang lahat ng angle nito. The pros and the cons. Kung mayroong testimonials, basahin mo lahat, panoorin mo lahat, pakinggan mo lahat. (hindi naman lahat, pero enough to be knowledgeable) Namnamin mo ang certain topic sa different perspectives hanggang sa ma-feel mong kaya mo nang isulat ito sa iyong fiction story.

𝟰. 𝗠𝗮𝗴𝗿𝗲-𝗿𝗲𝗳𝗹𝗲𝗰𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗹𝘂𝗸𝘁𝗼𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝘀𝗮 𝗸𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗶𝗽𝗶𝗹𝗶𝘁 𝗶𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸 𝗻𝗶 𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝘄𝗼𝗿𝗹𝗱.

Ang mga kuwento ay sumasalamin sa reyalidad. At ang gusto ko lang ichika ay ang reyalidad ay hindi naman laging tama. Nagiging tama lang ito sa perspective ng character mismo dahil 'yon ang pinaniniwalaan niya, at hindi dahil sinabi nating author.

Ang kailangan bilang manunulat ay alam natin kung paano maglagay ng consequences. Iwasang alagaan ang characters dahil lang sa "sila ang tama sa pananaw ko bilang manunulat".

Dahil ang isang perspective, kapag sumobra, ay masama – at laging may kapalit ang sobra.

𝟱. 𝗪𝗲 𝘄𝗿𝗶𝘁𝗲 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗯𝗲𝗰𝗮𝘂𝘀𝗲 𝘄𝗲 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗶𝗺𝗽𝗲𝗿𝗳𝗲𝗰𝘁 𝗰𝗵𝗮𝗿𝗮𝗰𝘁𝗲𝗿𝘀 𝘄𝗵𝗼 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 𝘁𝗼 𝘁𝗲𝗹𝗹.

Preaching is different from storytelling. Ang writers ay hindi preachers (unless, bet mong maging ganito). Kaya kung baluktot man ang paniniwala ng character sa story, then so be it.

Hindi nagbasa ang mga fiction readers para malaman kung paano maging mabait na tao o maging politically correct. Iba-iba ang kuwento ng iba't ibang characters. Iba-iba sila ng pinanggagalingan. So we need to know as the 'god' of the world, kung saan nanggaling 'yong iba't ibang paniniwala ng characters.

May sense bang maniwala si character sa isang belief na wala namang pinanggalingan kundi iyong author na may pinaglalaban?

Babalik tayo sa "Why?"

Bakit paniniwalaan ng character ang isang belief? Paano iikot ang kuwento nang dahil sa belief system na ito? Magbabago ba ang perspective na ito sa kabuuan ng journey? Why or why not?

Kung gusto nating ipaglaban ang paniniwala natin bilang tao, then it's our job to challenge our own beliefs by using different characters na kukuwestyunin ang lahat ng angle ng belief system na ito.

And that's just it. Kasi again, readers read our stories dahil gusto nilang malaman ang journey ng characters at kung ano ang magiging payoff ng journey na iyon.

So we, as writers, write the character's journey – baluktot man ang perspective nila o tuwid.

Maybe it's also our mission to challenge all perspectives, and let the readers pick up the pieces they want to pick up from the story we want to tell.

Ang isang kuwento ay palaging lesson learned para sa isang storyteller.



Ready ka na bang magsulat? Hindi pa? Check my profile pilosopotasya and look for Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips. Baka makatulong ~

 Thanks, d_lavigne, for proofreading this piece!

12 writer fears na dapat nating tibaginWhere stories live. Discover now