𝐅𝐄𝐀𝐑 𝟏𝟐 [ baka hindi para sa akin ito ]

544 53 32
                                    


Paano kung ma-realize kong hindi naman talaga ako marunong magsulat? Paano kung hindi ko mapanindigan ang pagsusulat? Paano kung wala naman pala akong skill for this at guni-guni ko lang lahat? Paano kung nadadala lang ako sa ibang tao kaya naiisip kong passion ko ito? Paano kung inggit lang ako?



𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝟏𝟐𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐚𝐬𝐭 (!!!) 𝐩𝐨𝐬𝐭 𝐬𝐚 #12WriterFearsNaDapatTibagin 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi tayo marunong magsulat? Eh di hindi.

Oo, seryoso, gano'n lang 'yon. xD

𝗧𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻. 𝘛𝘩𝘦𝘯 𝘮𝘰𝘷𝘦 𝘧𝘰𝘳𝘸𝘢𝘳𝘥.

Alam mo bang nagsimula akong magsulat noong 2007 dahil naiinggit ako sa mga fanfiction na binasa ko? Kung tama ang naaalala ko, ang nasa isip ko no'n: "Inggit ako. Sulat nga rin ako."

Ayon, nagsulat nga ako. Pero hindi ako marunong. Andami ngang abandoned stories bago ako nakatapos ng isang novel na hindi rin naman maayos. Tapos nagsulat ulit ako, nagbura, nagsulat, nakatapos ulit (afgitmolfm) – hindi pa rin maayos (ang first version). Hindi pa rin pangmalakasan.

𝗦𝘁𝗶𝗹𝗹, 𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁.

Hanggang sa napunta ako sa Wattpad, nakapagsulat ng mga story, nakapag-explore, nag-aral, at ito na tayo ngayon.

Ang tanong: Kung tumigil ako nung sinabihan ako ng "pangit niyan" or "hindi ka marunong magsulat", nandito kaya tayo ngayon? Kung na-realize kong "hindi ako marunong, 'wag na kaya ako magsulat?"

Nababasa mo kaya ito ngayon?

Kung hindi talaga tayo marunong magsulat, eh di hindi talaga.

Hindi natin kailangan kumapit sa hindi naman talaga dapat kapitan kasi tayo lang ang masusugatan sa huli.

Baka iba talaga ang gusto nating gawin. Baka iba talaga ang galing natin. O baka kaya naiisip nating hindi para sa atin ang pagsusulat kasi nauuna ang takot kaysa sa gusto. O baka kasi masyado nating kino-compare ang sarili sa iba?

"Hindi pala tayo magaling, kaya huwag na lang."

"Hindi tayo kasing galing ni xyz, ayoko na."

But that's the thing, eh.

Dapat bang maging super galing para lang magpatuloy?

Lahat naman tayo nagsimula sa hindi marunong. Ang dapat lang nating tandaan ay 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗮𝗹𝗶𝘀, 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗴𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝘂𝗺𝗶𝗽𝗶𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗶𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗱𝗲𝘀𝗽𝗶𝘁𝗲 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗲𝗹𝘀𝗲.

Hindi ka magaling magsulat ngayon? Okay. Magsusulat ka pa rin kasi gusto mo magsulat.

Ayaw mo pala talaga magsulat pero may itch na magkuwento? Okay lang na huwag magsulat. Why not try another medium of storytelling? Andiyan ang visual arts, designs, music, films – marami pang ways to tell stories, hindi lang pagsusulat.

Kapag nagkaroon tayo ng realization na hindi pala natin passion itong ginagawa natin, then so be it.

All you have to do is explore, and choose 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘴 𝘺𝘰𝘶 as of the moment.



Sa 'yo . . .

Salamat sa pagbabasa at maraming salamat dahil hinayaan n'yo ang series na ito na makatulong sa inyong pusong manunulat :D

Kung may mga tanong ka pa, you can inline comment this one at susubukan kong sagutin ang mga tanong ninyo.

Salamat ulit!




Ang fears sa series na ito ay binase sa mga takot ng authors under my community, #GuiltyReads.

Ready ka na bang magsulat? Hindi pa? Check my profile pilosopotasya and look for Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips. Baka makatulong ~

Salamat d_lavigne sa editing support sa buong series! Hindi ko ito magagawa without you. Salamaaaat!!


12 writer fears na dapat nating tibaginWhere stories live. Discover now