𝐅𝐄𝐀𝐑 𝟎𝟐 [ napaparating ko ba si feels ]

1.3K 103 17
                                    


Natatakot akong mabasa ng iba ang mga sinulat ko kasi paano kung hindi ko maibigay yung gusto kong iparating? Paano kung walang pakiramdam ang mga sinusulat ko?




This is the 2nd post sa #12WriterFearsNaDapatTibagin series


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sa pagsusulat, hindi nawawala ang dalawang stage na ito:

drafting - sinusulat natin ang kwento for the first time

editing - sinusulat natin muli ang kwento na mas intact ang purpose

sabi nga nila: we write drunk, we edit sober.

Ito 'yon. Dito papasok 'yon.

Silang dalawa ang pinaka-basic at pinakakailangan para makatapos sa pagsusulat mapa-fiction man, mapa-non fiction, short story, or novel.

(Hindi nga lang sa pagsusulat, ih, kasi applicable ito sa kahit anong form of storytelling.)

But sa part na ito, let's look at the writing side . . .

Nagsisimula tayo sa drafting dahil we're creating something from nothing or from a small idea na most likely ay malabo pa. Ito ang tinatawag na "pagsusulat para sa sarili" dahil nangangapa pa lang tayo rito, at first time pa lang na pinapakilala ng kwento ang sarili niya sa atin.

Sa stage na ito, characters tend to go in different directions kaya pati tayo ay naliligaw, pero magpapatianod pa rin kasi marupok tayo sa characters natin.

Hindi pa kayo syor sa isa't isa. Basta ang ganap, nagkakilala kayo. Period.

Ang editing naman ay papunta na sa "pagsusulat para sa iba" dahil pwera sa may mga involved nang iba't ibang perspective mula sa iba-ibang tao (editors, betas, partners), ito rin 'yong pagkakataong kilala na natin ang characters dahil naisulat na natin ang journey nila (sa first draft).

✨ Ang drafting ay ang first-hand experience.

✨ Ang editing ay pag-apply ng lessons mula sa experience.

Dahil gets na natin kung papaano ang way of thinking ng mga character at kung ano ang masakit at masaya for them, mas maibibigay na natin ang tamang timpla para ipahayag ang mga dapat mangyari, ibigay ang nararapat na foreshadowing, at mabigyan ng hustisya ang mga nararamdaman nilang kinapa lang natin nung umpisa.

You won't get it the first time.

May chance din na hindi magagawa the second time. 

But as time passes by, after writing and drafting a lot, after rewriting and editing with a purpose, mas masasanay na tayo sa mundo ng storytelling.

And if we really want to write stories with purpose and emotions, gagawa tayo ng paraan para mas matuto on how to write them – may it be theoretical or seek experience as a human being.

Tamang practice lang at pagsulat palagi hanggang sa maging natural na sa writing voice ang mga gustong iparating at iparamdam.

Tulad nitong nababasa mo ngayon.

Edited version na ito at may tumulong na sa akin (kaway, d_lavigne xD) para mas ma-gets ng makakabasa ang purpose nito. Ilang edit para mas maging oki ang pagkakalatag.

Kasi pwedeng ako, gets ko na sa draft pa lang – 'yong ibang tao, hindi pa pala.

Kaya importante ang edits.

I can always dive deeper sa mga technicalities ng characters and development and arcs, pero dito muna tayo sa general dahil mahirap makaahon sa deeper techs kung sa umpisa pa lang ay may takot na imbis na pagmamahal.

Don't dodge the fear. Get through it.

And the only way I know to get through it is to enjoy writing, drafting, and writing, then edit, edit, edit, and never forget that you can always ask for help.



Ready ka na bang magsulat? Hindi pa? Check my profile pilosopotasya and look for Twelve Makabuluhan-kuno Writing Tips. Baka makatulong ~

12 writer fears na dapat nating tibaginWhere stories live. Discover now