02

282 8 11
                                    

Coffee Shop

"Ano ba, Kevan! cappuccino ba o latte? bilisan mo malalate na ako!"

Kanina pa hindi makapili kung ano gusto niyang kape. Mahaba rin naman ang pila ngayon kasi nandito rin bumili ang mga doctor break 'ata nila.

"Latte... ay americano nalang" Tangina talaga.

"Putangina, Latte nalang" Inis kong ibinaba ang tawag at pumunta na sa counter.

Ilang minuto na ang lumipas, hindi masyadong na mahaba ang pila kaso nga lang ay kailangan aantayin mo pa yung order mo. Pagkatapos kong sabi sa cashier ang bibilhin ko naghanap muna ako ng mauupuan habang nagaantay mukhang matatagalan pa. Lagot ako nito malalate na naman ako.

"Doc. Mendez, ito na po kape niyo"

Napalingon ako sa isang doctor na nasa may kabilang gilid ko, nakalagay ang cellphone niya sa kaliwang tenga niya "Wait lang, Aure! tinatawag na ako eh"

"Elliot..." Bakit ganon pag iba yung nagbabanggit ng pangalan ko ang pangit pakinggan. Agad akong lumapit doon sa serving area para kunin ang dalawang kape na tinake out ko. Inabot ko pa sa doctor ang isa niyang kape hindi niya kasi alam kung paano niya kukuhain dahil ang dami niyang dala.

"Thanks..." Maikling sabi niya.

Kinuha ko na rin ang mga order bago umalis inayos ko muna ang mga kape para hindi matapon. Palabas na ako ng coffee shop ng may maapakan akong kung anong bagay sa paahan ko. Wallet? Tinignan ko ang ID na nakalagay doon. Mabuti nalang may nakalagay na contact number. Tinignan ko rin ang pangalan...

Dr. Astherielle Xavellya Mendez













Along MakatiWhere stories live. Discover now