78

130 3 0
                                    

"Ano gagawin natin dito? gagi ang ganda"

"Uh, may tatanong kasi ako" Siguro ito na talaga tamang oras para tanungin ko siya.

"Hm? Ano 'yon?"

Simula nung nagmessage ako sakanya na magkita kami hindi na talaga ako mapakali. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.

Paano ko sasabihin sakanya na may nangyari samin 5 years ago at nagbunga 'yon? Paano kung hindi niya matanggap anak ko?

"Random question lang 'to ah" Para hindi siya masyadong magduda. "Naiisip mo ba magkaanak? I mean gusto mo ba?" I smiled.

"Huh? Gagi seryosong tanong ba 'yan?" Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin kaya naman tinanguan ko siya at doon sumeryoso na mukha niya.

"Well, ngayon hindi pa siguro parang ayoko pa, kasi lalo kung ikaw magiging asawa ko, mahirap kasi doctor ka alam kong busy ka lagi . . . 'tsaka malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak"

Totoo namang malaking responsibilidad talaga ang pagkakaroon ng anak pero kung ngayon paano ang anak namin? Kung hindi pa siya handa kailan pa kapag sampong taon na si Xivelle?

Hindi ko alam pero parang nagbago ang mood ko."Bakit mo pala natanong? Ay ikaw ba gusto mo magkaanak?" Tanong niya.

"Oo, Elli hindi naman tayo bumabata." Nakangiti lang siya habang nakatingin sa 'kin.

"Kaya kailangan na natin gumawa ng bata?" Natatawa niyang sabi.

Ano ba akala niya nakikipagbiruan pa ako?

"Elliot, seryoso ako" Natigilan siya sa pagtawa. "Sorry pero kung hindi mo kayang seryosohin 'yong mga ganitong bagay. . ." Pagkasabi ay agad akong tumayo kaya nagulat siya.

Masakit para sa 'kin hindi manlang ba niya kayang seryosohin? Kung ganon lang pala eh mas mabuting hindi niya na malaman na may anak kami.

"Sorry. . . akala ko kasi random question lang, 'kala ko hindi seryoso." I shook my head.

I feel sad for my baby, she doesn't deserve this. I guess my decision isn't that bad, bahala na si Elliot. May dahilan naman ako kung bakit ako nagkakaganito it's for Xivelle, kapakanan ng anak ko nakataya rito.

"I had to go" Ayoko na! I'm done.

"Xave, sorry. . ."

Along Makatiजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें