27

155 4 0
                                    

"Hinto muna tayo Xave ihing ihi na ako"

Kanina kasing nasa grand kami hindi pa siya umihi. Wala akong nagawa kung hindi itigil ang sasakyan sa gasoline station. Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan agad bumaba si Virginia at tumakbo sa cr.

"Aure, may 7/11 pala dito bibili lang ako ah" She nodded.

Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papunta sa 7/11 na katabi nitong gasoline station.

Namili ako ng mga pagkaing pwede naming kainin habang nasa byahe, malapit na pala kami ilang minuto nalang kung hindi traffic nandoon na kami. Bumili lang ako ng mga junkfoods at inumin.

"223 pesos po ma'am"

Kumuha ako ng 250 sa wallet at inabot ito sa cashier habang inaantay ang sukli tinignan ko ang mga chocolates na nakadisplay. Pinagiisipan ko pa kung bibilhan ko ba si Xias baka kasi magkatonsil.

"Teka naman! isa- isa lang . . . Oh tapos ano pa? Ayon lang okay!"

Nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon agad akong napalingon kong nasaan 'yon. Bakit ba ang malas ko lagi?

"Ma'am ito na po sukli 27 pesos" Kinuha ko agad ang sukling binigay ng lady cashier.

Hindi ba ako nakakalabas nang may biglang humarang sa daanan ko. Iniangat ko ang tingin ko sa taong iyon.

"Bakit?" I raised a brows.

He smiled.

"Hi doc. Kumusta? Bakit ka nandito ang layo na nito sa makati ah" tanong niya

"Excuse me, I have to go" I excused myself.

Along Makatiजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें