48

153 3 2
                                    

"Congrats, Wenna and Keriel" Bati ni Tom sa mag-asawa, inaanounce kasi nila na magkakaroon na sila ng baby.

Nakakainggit naman parang gusto ko na rin magkaanak, gusto ko na rin alagaan ang magiging anak ko, yung tipong ako magpapalit ng diaper niya, ako magpapaligo sa kan'ya at magtuturo sa kaniya kung paano lumakad at magsalita.

Gusto ko lahat ng unang bagay na matututunan niya sa mundo ako magtuturo.

Tapos kapag pumapasok na siya ako maghahatid at magsusundo sa kan'ya sa school. Pagkagaling sa school tapos may gusto siyang bilhin o kainin, pupuntahan namin yung lugar na gusto niyang 'yon.

"Hoy Elli!" Tapik ni Herene sa balikat ko.

I hummed.

"Tignan mo 'to! Si ate Avel 'to oh" Inabot niya sakin ang isang wallet size na picture, tinignan ko agad ang picture na iyon. Si Doctor nga nakahighschool uniform siya at may hawak siyang dalawang makapal na libro.

"Saan 'to galing?" Tanong ko.

"Dati kasi sa baranggay namin lahat ng bata pini-picture-ran tapos gagawa sila ng maraming copy ng mga picture na 'yon pagkatapos lahat ng mga batang may copy ng mga picture nila itinatago nila 'yon kaso. . ." She stopped.

"Kaso. . . Itong kay ate Avel naiwan niya ito nung lumipat sila ng bahay, buti nalang talaga pumasok kami doon nila Carl sa bahay nila noon" Patuloy niya.

"P'wede bang akin nalang 'to?" Para pagdating namin ng makati, ipapakita ko sa kan'ya pero siyempre magpapagawa muna ako ng sarili kong copy bago ko ibalik sakanya.

"Sige sayo na 'yan!" She smiled.

Nakita ni Herene na papalapit sa pwesto namin si Loniel, napansin ko medyo nataranta si Herene ng makalapit na sa amin si Loniel.

"Hey Elliot!" Bati ni Loniel.

"Yow kumusta?"

Herene said. "Elli, doon na ako ah, ingatan mo 'yan" tukoy niya sa litrato.

I nodded then smile.

Nilingon ko ang katabi kong si Loniel na ngayon ay sinusundan ng tingin kung saan pumupunta si Herene.

"Mahal mo pa 'no?" Tanong ko na kaya nama'y ibinalik niya ang tingin sa akin.

"Hindi mo maiintindihan, Elli" Mahina niyang sabi.

Sa mga past relationship ko wala akong naging problema kasi halos lahat sila naging maayos ang naging break ups namin. Hindi 'yong after break up magsisiraan, magsasalitaan ng kung ano anong masasakit na salita. Hindi ko pa 'yon nararanasan.

"Niel! Ulit hindi mo pa nasasagot tanong ko kanina . . . Mahal mo pa?" Hindi pa rin siya sumagot nakayuko lang siya.

Well, silence means yes.

Hay gusto ko na rin ma-in love, ano na kaya pakiramdam na may nagmamahal at nagaalaga sayo.

Kapag talaga umusad 'yong relationship namin ni Doc, ay sana all relationship. kapag talaga umusad 'yon hinding hindi ko na siya pakakawalan.

Araw-araw ko ipaparamdam sa kan'ya na siya lang ang babae sa buhay ko!

I promise that I will make her life full of sunshine and rainbows, love and laughter.

I'll give her the peace she wanted.

Along MakatiМесто, где живут истории. Откройте их для себя