31

37 5 0
                                    

Messenger

Maverick Trevor Vergara
🟢 Active Now

8:32 PM

Maverick
Please, Addi, sagutin mo mga tawag ko.

You didn't let me talk to you earlier at iniwasan mo pa ako kanina sa labas ng gate.

Please, Addi...

Addison
Maverick Trevor, nagbibiro ka lang ba kanina?

Maverick
I'm not.

Addison
'Yong endearment na kailan lang ay itinatawag mo na sa akin, 'yong mga araw na naging madalas ang pagtawag mo, pagpunta mo sa room, at panlilibre mo... May ibang kahulugan ba talaga ang mga 'yon?

At 'yong mga posts mo sa Facebook, ako ba?

Maverick
I did all that not because we’re friends, but because I like you, Addi. And yes, hindi ako nagbibiro kanina dahil ikaw talaga ang tinutukoy ko sa mga posts ko.

Hindi mo pa napapansin? Hindi mo ba naramdaman na may gusto ako sayo?

Addison
No. Hind ko inisip na ako ang gusto mo, Maverick.

Maverick
Why?

Tell me, bakit hindi?

Hindi mo inisip na magkakagusto ako sayo ng dahil ba sa relasyon na meron tayo? Dahil ba sa magkaibigan tayong dalawa kaya ang impossibleng mangyari 'yon?

Addison
Oo. Dahil magkaibigan tayo, Maverick.

Hindi mo ako masisisi kung bakit umiiwas ako sayo kanina dahil hindi ko talaga inaasahang sa akin ka pala nagkakagusto. Kasi kaibagan mo ako simula pa noong mga bata tayo, e. Saka kung hindi pa nangyari ang eksena kaninang tanghali, hindi ka pa aamin.

Maverick
Dahil wala akong lakas ng loob na sabihin sayo, Addi. Dahil baka masira ang pagkakaibigan nating dalawa kaya nahihirapan akong umamin sayo.

Kung nagtapat ba ako ng mas maaga sayo, magiging iba ba ang reaksyon mo?

Hindi rin, 'di ba? Kasi alam ko na sa paningin mo kaibigan mo lang ako.

8:58 PM

Addison
Since when? Kailan mo pa itinago 'yang nararamdaman mo?

Maverick
Simula noong 17th birthday mo.

Addison
My gosh...

9:11 PM

Maverick
Please, huwag mo akong iwasan pagkatapos ng mga nangyari ngayon, Addi. Kung ayaw mo sa akin... Kung sa tingin mo ay impossibleng magkaroon tayo ng relasyon na higit pa sa pagkakaibigan, sabihin mo lang sa akin.

Tatanggapin ko kung ano man ang sasabihin mo tungkol dito. Kaya sana ay huwag mong ilayo ang sarili mo sa akin na para bang isa na akong sakit sayo.

Addison
Give me some time, Maverick. Nabigla ako sa nangyari at kailangan kong mag-isip-isip.

Maverick
Go on, take your time. Maghihintay ako, Addi.

Hindi ko pa nasasabi ng maayos sayo, but...

I really like you, Addi.

Seen

Give it a ShotWhere stories live. Discover now