33

34 5 0
                                    

Messenger

Zemirah Ellaine F. Rodriguez
🟢 Active Now

8:04 PM

Zemirah
Wala ka bang balak na kausapin si Trev, Addi?

Isang buwan na ang lumipas simula nang umamin siyang may gusto siya sayo. Noong Valentine's Day binati ka pa niya at binigyan ng bulaklak at regalo. Nagthank you ka nga pero mabilis mo siyang tinalikuran na para bang ayaw mo siyang makita.

Addison
Anong gusto mong gawin ko, Zem?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, e.

Zemirah
Alam ko na nabigla ka kaya gusto mong magkaroon ng oras para makapag-isip-isip. Pero nasasaktan mo siya dahil para siyang hangin sa tuwing nagkasasalubong kayo.

Hindi niya naman kasalanan na nagkagusto siya sayo, pinsan. Marami kayong memories together. Baka nga alam niyo pa lahat ang sekreto ng isa't-isa, e. Sabay kayong lumaki at masaya siya sa tuwing kasama ka niya kaya hindi talaga maiiwasang magkagugusto siya sayo. Maganda ka, mabait, masipag mag-aral at masaya ka pang kasama.

Kung ayaw mo 'yong tao at hanggang kaibigan lang talaga ang turing mo sa kaniya, tell him. Kasi alam mo, sa pag-iwas mo pa lang masakit at nakatatakot na sa kaniya dahil iniisip na niyang baka wala siyang chance sayo. Nadoble pa ang nararamdaman niyang takot dahil baka hindi na kagaya ng dati ang turingan niyo sa isa't-isa.

Addison
What should I do, Zem? 😭🤧

Zemirah
Gaya nang sinabi ko, magdesisyon ka na kung bibigyan mo ba ng chance na magkaroon ng KAYO, o hanggang magkaibigan lang talaga.

Jusko, baka mabaliw ang lalaking 'yon mas lalo na ngayon na nakikita niya kayong magkasama ni Reymond nitong nakaraang mga araw. Isipin mo ang sarili mo na nasa posisyon niya. Anong mararamdaman mo?

8:28 PM

Addison
Thank you dahil nagchat ka, Zem. Medyo naliwanagan ako tungkol sa mga dapat kong gawin sa nangyari.

Tungkol naman sa amin ni Reymond, magkaibigan lang kami at nilinaw na namin 'yon sa isa't-isa.

Zemirah
Walang anuman.

Ayaw ko sanang makialam pero natatakot ako dahil baka masira ang samahan niyong dalawa. Maging sina Ate Aaliyah at Kuya Rockwell, nag-aalala sa inyong dalawa.

Addison
Mag-iisip ako ngayon ng maigi tungkol sa magiging desisyon ko para naman sa susunod na mga araw ay makapag-usap na kaming dalawa.

Zemirah
Yeah, think about it clearly, Addi.

Sana nga ay makapag-usap na talaga kayo dahil ilang araw na lang graduation na.

Pero tatandaan mo na kahit na ano pa ang magiging desisyon mo, rerespetuhin namin.

Addison
Thank you talaga, Zem. 😇

Seen

Give it a ShotWhere stories live. Discover now