42

32 5 4
                                    

Addison's POV

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako kumatok sa pinto ng room kung saan naroroon si Trev. Narinig ko naman agad ang boses ni Ate Scarlett at nahimigan ko ang pagod doon kahit pa na medyo may kalakasan ang pagkasasabi niya.

"Come in!"

Binuksan ko ang pinto at agad pumasok. Agad akong tumingin sa hospital bed para tingnan kung gising ba si Trev ngayong oras. Natigil ako sa paghinga nang magsalubong ang mga mata namin. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin na para bang sinusuri niya ako.

Ngumiti ako sa kaniya pero mabilis 'yong nawala nang magsalita siya.

"Who are you?" mahina pero seryosong tanong niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nanikip ang dibdib ko at kulang na lang ay mapaluhod ako sa sahig dahil para akong tinakasan ng lakas sa katawan.

"H-Hindi mo ako kilala, Trev?" Sinubukan kong magsalita ng maayos pero hindi ko napigilang pumiyok.

He nodded. "Hindi ko alam kung sino ka. Hindi kita maalala."

Mabilis na nanubig ang gilid ng mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na napigilan at napahikbi na ako at napahagulgol ng malakas.

"B-Bakit?" Umiiyak na sabi ko. "Bakit hindi mo ako maalala? Bakit mo ako nakalimutan?"

"Tangina mo, Trev! Sabi ko sayong hindi magandang biro ito, e!" biglang usal ng Ate.

Malabo ang mga mata kong tumingin sa kaniya at nakitang lumapit siya sa kapatid at biglang kinaltukan sa ulo.

"Aray naman, Ate!" daing niya. "Kagigising ko lang kahapon pero may balak ka yatang tuluyan na ako ngayon."

"Magsorry ka, gago!"

"Oo, alam ko!"

Humihikbi ko silang pinanood. Hawak ang ulo akong nilingon ni Trev at mataman akong tinitigan. Narinig kong nagpaalam si Ate Scarlett pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas siya at iniwan kaming dalawa sa loob.

Bigla siyang ngumiti sa akin at lumambot ang mga mata niya. "I'm sorry sa ginawa ko ngayon," sensirong sabi niya.

Dahil sa narinig ay muli na naman akong napahagulgol. "Hindi magandang biro 'yon, Trev!"

Bigla naman siyang nataranta at tila naguguluhan sa kung ano ang dapat na gawin. Hanggang sa bigla niyang idinipa ang mga braso sa akin.

"Come here. Miss mo rin ako, 'di ba? Halika at yakapin mo ako," malambing na sabi niya.

"Puwede ba? Marami kang sugat sa katawan, baka masaktan ka."

Ngumuso siya. "Halika na. Okay lang na yakapin mo ako, huwag lang mahigpit."

Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko habang siya ay tahimik na nakayakap sa akin at nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

"Namiss kita ng sobra, Trev. M-Masyado mo akong pinag-alala," sabi ko.

"Sshh... Stop crying, Addi. Masakit ang ilan pang mga sugat ko, pero mas masakit ang marinig kang umiyak kaya tahan na." Hinaplos niya ang buhok ko.  "I'm okay now. Gising na ako at nagsisimula nang magpalakas para makalabas na ako."

Sinubukan kong kumalma at hindi rin nagtagal ay tumigil na sa pagtulo ang mga luha ko. Humiwalay na rin ako sa pagkayayakap sa kaniya dahil baka may masagi ako sa mga sugat niya. Pero bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at hindi 'yon binitiwan habang sinusuri ko siya.

Hinawakan ko ang kanang pisngi niya at napaangat siya ng tingin sa akin.

“You’re so strong, Trev,” I said. "I'm proud of you."

"Before I lost consciousness that day, I immediately thought of you." Kuwento niya. "Masakit ang buong katawan ko noon at akala ko ay 'yon na ang magiging katapusan ko. Pero kaya siguro ikaw agad ang inisip ko ay dahil ikaw ang siyang magiging lakas ko. Kasi sa totoo lang, habang wala akong malay ay ikaw ang napapanaginipan ko."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at emosyonal na tumingin sa akin. "Natakot ako dahil sa nangyari kasi marami pa akong gustong gawin sa buhay. Marami pa akong gustong maranasan. Kaya masaya ako dahil nagising ako, Addi. Masayang-masaya ako."

Ngumiti ako sa kaniya para ipakitang proud ako sa kaniya. "Alam kong magigising ka dahil malakas at matapang ka, Trev. Saka marami ang nanalangin para sayo dahil maraming nagmamahal sayo. Kaya siguro ay dahil doon ay pinagbigyan ang kahilingan nilang gumising ka. Kaya bilisan mong magpagaling para mapasalamatan mo na sila."

He smiled and nodded.

Nagkuwentuhan pa kaming dalawa hanggang sa oras na para umalis ako dahil kalahating oras lang ang puwedeng itagal ng mga bisita.

"Aalis na ako," sabi ko at nalungkot naman siya. "Huwag kang mag-alala dahil araw-araw naman akong bibisita."

"Really?" nakangiting tanong niya at tumango ako.

Muli akong nagpaalam sa kaniya at lumabas na ng room. Bago ako umalis ng hospital ay pinuntahan ko pa saglit si Tita Cresel para kumustahin siya.

Give it a ShotWhere stories live. Discover now