45

30 5 2
                                    

Addison's POV

Tahimik akong nakaupo sa buhanginan habang nakatingin sa pinakamalayong parte ng dagat na kayang abutin ng mga mata ko.

"Ang lalim yata nang iniisip mo, Addi."

Napatingin ako kay Kuya na umupo sa tabi ko. Ang hirap pala magkaroon ng kapatid na guwapo. Napansin ko kasing masama ang mga tingin sa akin ng mga babaeng kanina pa nagpapapansin sa kaniya. Nagagandahan pa naman din ako sa isa sa kanila at iisipin ko na sanang bagay sila ni Kuya kaso binabawi ko na.

"Nakapagdesisyon ka na ba tungkol sa inyo ni Trev?" tanong niya.

Tumango ako. "Plano ko siyang bigyan ng chance, Kuya."

"That's good to hear."

Mataman akong napatitig sa kaniya. "Hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit?" Salubong ang kilay na sabi niya.

"Overprotective ka sa akin, e. Kaya hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung bakit okay lang sayo ang sinabi ko."

Bigla niyang ginulo ang buhok ko bago siya tumingin sa dagat. Seryoso ang mukha niyang nakatingin doon na para bang may iniisip siya.

"Kilalang-kilala ko na ang lalaking 'yon dahil sabay kayong lumaki. I've seen how well he treats you that's why I want him for you, Addi. Kaya kung desisyon mo talagang pagbigyan siya, rerespetuhin at susuportahan ko kayo bilang mas nakatatanda."

I smiled at him. Hindi ko tuloy maiwasang yakapin siya. "I'm lucky because I have a brother like you, Kuya."

"And I'm the luckiest older brother in the world, princess," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Subukan lang talaga siyang saktan ng magiging unang girlfriend niya, magkakaroon talaga ng matinding digmaan.

Give it a ShotWhere stories live. Discover now