Chapter 16: I don't understand you

10.6K 94 9
                                    

Mami 

 

Kanina ko pa tinitingnan si Haru kasi kain sya ng kain sa totoo lang ngayon ko lang sya nakitang ganito dati sya lagi yung nauunang matapos kumain dahil busog na agad sya pero ngayon grabe wala akong masabi kundi ang takaw nya!

“Di ka pa ba busog? Ang dami mo nang nakain.” Rina

“Lagi na nga lang ako nagugutom ewan ko ba..” habang kain pa rin ng kain ng spaghetti

“Grabe siguradong tataba ka ng bongga sa ginagawa mo.” Sabi ko habang pinapanuod sya sa pag kain

“Bakit? nagugutom ako angalang pigilin ko!” kain pa din sya ng kain grabe!


“Hindi naman kasi kain yang ginagawa mo lamon yan!” Tomi

“Hindi ko nga mapigilan! Ganito siguro talaga kapag buntis..”

“Lagot ka kapag tumaba ka siguradong mag hahanap yang asawa mo ng  mas sexy!” Asar ni tomi kaya tumigil sya sa pag kain natawa tuloy kami ni Rina

“Subukan nya lang ng hindi na nya magamit yang pinagmamalaki nya! Puputulin ko talaga yun tapos bubugbugin ko naman yung babae nya!” sigaw ni Haru bago nilantakan ulit yung pag kain

“Sus! Lagi ka naman ganyan tapos kapag nilambing ka lang nun bibigay ka agad!” Adik talaga tong si Tomi panay ang asar kay Haru

“Kapag nambabae sya never ko syang papatawarin! Lintek lang walang latay hindi nya din makikita yung anak nya! Swear!” tumawa naman kami ng malakas lately din naging emotional si Haru dati mas tinatago nya yung mga nararamdaman nya kapag inaasar sya tatahimik lang sya or iirap oh kaya mag sasabi ng tigilan mo ako pero ngayon masyado na syang vocal..

Nawala yung atensyon ko ng makita ko si Ria sa malayo kasama nya yung mga kaibigan nya di ko tuloy maiwasan na isipin yung ginawa namin..

Ginamit namin si Himura para mapag hiwalay sila ni  Johnny.. siguradong malaking gulo kapag nalaman yun ni Johnny.. di ko din alam kung anong gagawin ko kapag dumating yung araw na yun  di ko alam kung kaya ko bang tapatan yung galit ni Johnny

Namida no regret (Completed)Where stories live. Discover now