Chapter 43: Hide and Seek

5.3K 88 14
                                    

 Dedicated to you: Hi mukhang scandal fan ka parehas tayo obviously. Thank you for reading my story XDDD

---------------------------------

Pauline 

Biglang tumunog yung phone ko nang makita ko kung sinong caller agad kong sinagot.. 

"Hello?" 

"Where are you? hindi ko kasi ma contact si hendrickson  kapag tinawagan ka nya sabihin mo na may maganda akong plano.." 

"Okay sasabihin ko.. C-Calvin pag nakaganti na kana lalayo na ba tayo?" hindi nag salita si calvin sa kabilang linya hindi ko alam pero kinabahan ako dikaya nag bago na ang isip nya? 

naalala ko ng unang ko syang makilala mga bata pa kami nun pero minahal ko na sya kahit na mga bata pa kami nun.. 

si calvin yung klase ng tao na seryoso,tahimik,matalino lahat ng klase ng magaganda nasa kanya na kaya habang lumalaki kami pinangarap ko na sya pero parang hindi nya ako nakikita lagi din syang suplado sa akin pero ng hindi ko na kayang itago yung damdamin ko 

sinabi ko sa kanya na mahal ko sya at laking gulat ko ng halikan nya ako hindi sya nag salita hindi kasi masalita si Calvin pero pinapakita naman nya kung paano sya mag alaga sa mga taong mahal nya.. 

Flashback 

"Hindi ka na naman nag iingat! tingnan mo nasaktan ka na naman!" nakasimangot sya habang ginagamot yung sugat ko sa binti nag lalaro kasi ako ng basketball kahit na pinapagalitan nya ako hindi ako makaramdam ng inis natutuwa pa nga ako kasi kahit na galit sya alam ko na concern sya ganito sya mag pakita ng care 

"Hindi naman yan malalim saka gagaling din yan!" sabi ko saka tumayo ulit para mag pero pinigilan nya ako sa braso nagulat ako ng yakapin nya ako mula sa likod 

"Alam ko na hindi mo naman kailangan ng sermon ko pero please lang mag ingat ka naman para hindi ako mag alala ng sobra.." bulong nya sa tenga ko napangiti ako sa sobrang kilig eto yung isa sa mga gusto ko sa kanya minsan lang kasi sya maging sweet .. 

Namida no regret (Completed)Where stories live. Discover now