Chapter 28: The truth

6.8K 75 10
                                    

Mami 

Isang linggo na akong sumusubok na sabihin kay Johnny ang tungkol kay Hyun Won pero kasi lagi nalang na pupurnada kaya hanggang ngayon hindi ko pa din masabi sa kanya naiinis na nga ako kasi parang may pumipigil na hindi ko ma sabi

nag lalakad ako dito sa loob ng campus ng makita kong binubugbog si Paolo ng dalawang lalaki kya nilapitan ko at agad ko syang tinulungan 

"Huy! kayo tigilan nyo nga si Paolo baka gusto nyong isumbong ko kayo sa guidance!" sigaw ko kaya umalis na sila pareho pero bago umalis nag salita yung isa 

"May araw ka rin sa amin!" nilapitan ko si Pao para itayo bugbog yung mukha e kakaawa 

"Thanks  kung di ka dumating baka sa ospital na hantong ko ngayon." inupo ko sya sa isang tabi pinunasan ko din yung dugo sa gilid ng labi nya 

"Ano ba naman kasing ginawa mo at ganun nalang ang galit nila sayo?" mabait kasi si Paolo kaya wala akong alam na nakakaaway nya pwera nalang ngayon na binugbog sya sa harap ko 

"Mahirap explain pero hindi na ako makakabalik sa boarding house aabangan nila ako mga room mate ko kasi sila." 

"Ano gagawin mo ngayon?" 

"Hindi ko pa alam baka sa kalye nalang muna ako matulog wala talaga akong maisip na puntahan.."  naawa ako sa kanya dahil nasa probinsya yung buong pamilya nya hindi rin naman kasi marami yung mga kaibigan nya hindi sya pwede sa bahay nandun ang pamilya ko lalo naman sa bahay na bigay ni Mamu harasin sya ni Mamu hay nako saan kaya sya pwede di ko naman sya pwedeng pabayaan 

"Ahhh alam ko na may kakausapin lang ako huh dyan ka lang.." may tinawagan ako buti sinagot agad 

"Ney.. pwedeng humingi ng favor?" malambing kong sabi sana pumayag sya pero feeling ko papayag sya pipilitin ko sya hahah

"Hmmm? Ano naman yun? baka mamaya kung ano na naman yang hihingin mo huh." sabi nya sa kabilang linya kaya tumawa lang ako sabi na hindi nya ako matatanggihan 

"Kasi kilala mo naman si Paolo diba nag karoon kasi sya ng kaaway ngayon wala syang matutuluyan pwede bang dun muna sya sa condo mo dalawa naman  room mo dun diba.." 

Namida no regret (Completed)Where stories live. Discover now