Chapter 44: Calvin Hales

5.5K 105 12
                                    

 Dedicated to you: Hi! Natutuwa ako sa mga comments mo salamat naman at nagustuhan mo ang klase ng pag susulat ko at nakakatuwa dahil naiintindihan mo kung ano ang mga bagay na sinusulat ko hahaha keep rockin! \m/ Godbless you XDD

------------------------

Rina 

Napatayo kami sa upuan ng magising si Drick pero dahil nakatali sya hindi sya makakagalaw at dahil nakatali sya wala syang magagawa kung ano man ang gawin namin sa kanya.

"Kamusta tulog masarap ba?" asar ni Tomi habang pinipilit naman ni Drick makawala sa tali nya pero hindi nya magawa dahil mahigpit yun.

"Alisin nyo to!" sigaw nya ng sigaw halatang galit na galit sya pero wala kaming pakialam

"Aalisin lang namin yan kung sasabihin mo kung saan dinala ng kapatid mo si Mami." sabi ni Haru habang prenteng nakaupo sa upuan katapat si  Drick  

"Are kidding me?!"  

"Do we look like we're kidding you?!" sabat ko na ikinasama naman ng tingin nya sa akin kaya tumingin din ako ng masama sa kanya 

"Sabihin mo nalang kasi baka hindi mo magustuhan kung anong gagawin namin sayo.." Banta ni Tomi 

"Kahit anong gawin nyo hindi ko sasabihin kung nasan sila!" 

"Ikaw ang bahala walang sisihan mamaya huh." tumayo si Haru saka tinawag si Paulo  natigilan si Drick halos mag kulay suka sya sa putla ako naman pinigilan matawa ganun din si Tomi na tinakpan pa ng kamay yung bibig nya para hindi sya tumawa ng malakas

"What the Hell!" sigaw ni Drick na lalo pang binag buti ang pag kalas sa tali nya pero bigo pa din 

"Paulo! umpisahan mo na!" sigaw ni Tomi  kaya ginawa na ni Paulo yung dapat nyang gawin 

"You'll love it.." asar ko naman kaya lalong nalukot yung mukha ni Drick 

Namida no regret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon